^

Kutob

Marso 24, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Matamlay ka dahil kaaalis lang ng mahal mo. Ibaling ang atensyon sa paglilinis at sa pagsayaw upang maalis ang depression. Isang tawag sa matagal nang kaibigan ang magpapasigla sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 17, 19, 31, 41 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Inspired ka ngayon dahil nakausap ang iyong crush. Maganda ang magkaroon ng pangarap sa buhay, pero dapat lapatan ito ng pagsisikap para magkaroon ng katuparan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 13, 35, 44 at carnation pink.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Marami ang hahanga sa nagawa mo sa araw na ito. Kahit nagpasigla ito sa’yo, meron pa ring nakakairitang kontra bida. Huwag na lang pansinin ang mga naninira sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 15, 27, 29, 37 at white.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Merong magmamalasakit sa’yo ngunit ang dating niya ay nakikialam. Mag-isip muna bago magbitaw ng salita para walang pagsisihan sa huli. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 31, 39 at caramel brown.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang iyong mahal ay very thoughtful sa’yo. Kaya i-appreciate ito. Huwag hintayin na magkatotoo ang kasabihan na malalaman ang halaga kapag wala na sa’yo ang isang tao. Lucky numbers at color for the day ang 19, 25, 33, 39 at turquoise blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ipagpaliban ang paglalakbay kapag galit para makaiwas sa aksidente. Kung hindi gusto ang isang bagay, hindi masamang ihayag ito pero gawin sa paraang hindi makaka-offend sa iba. Lucky numbers at color for the day ang 10, 34, 31, 39 at tangerine.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Ugaliing maging positibo sa lahat ng pagkakataon. Dahil mahihirapang umusad kung ipapako ang sarili sa hindi magandang bagay. Lumayo sa mga “nega”. Lucky numbers at color for the day ang 21, 29, 37, 41 at ruby red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ayon sa kasabihan, crisis is where Christ is. Sa araw na ito, magkakaroon ng turning point ang iyong buhay at makikilala mo rin ang tunay na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 13, 22, 27, 39 at purple.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kumunsulta sa psychic upang matulungan kang magdesisyon tungkol sa pag-ibig at manalangin. Humingi ng sign mula sa Diyos. Lucky numbers at color for the day ang 19, 22, 29, 33 at dollar green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Hindi maitatago ang sikreto dahil kusang lalabas ang katotohanan. Harapin at ma­ging responsable ka. Maging aral na hindi dapat basta makinig sa tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 11, 15, 37, 44 at lavender.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Sobra ang pagmamahal mo sa iyong career. Napapabayaan na tuloy ang iyong kalusugan. Change for the better health habang work from home. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 37, 40 at canary yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Unawain mo rin ang nagmamahal sa’yo. Lahat tayo ay may kani-kaniyang limitasyon. Ang pagmamahal ay give and take. Huwag maging manhid. Lucky numbers at color for the day ang 13, 19, 21, 35 ta cherry red.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with