^

Kutob

Marso 22, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kumunsulta sa psychic. Ngayon isang mahala­gang desis­yon ang gagawin.Kailangang magkaroon ng tamang gabay tungkol dito. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 15, 45 at lavender.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Masigla ang pag-gising dahil ang matatangap na email message ay galing  sa matagal mo nang crush. Pag-isipan ng mabuti ang pagre-reply dahil maka­kababa sa iyong pagkatao ang pagpapakita ng motibo. Lucky numbers at color for the day ang 17, 19, 41, 44 at moss green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Simulan mo ngayon ang bagong chapter ng iyong buhay. Ang iyong makakatuluyan ay maaaring meron nang anak. Hinay-hinay lang at pag-isipan ng mabuti ang mga hakbang. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 27, 31 at platinum pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang naranasan mo ngayon ay isang blessing in disguise. Na-late ka kaya hindi natuloy ang deal. Ngunit isang swindler ang kausap mo kaya magpasalamat pa rin. Lucky numbers at color for the day ang  5, 13, 25, 33 at royal blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kilalanin muna ang bagong kakilala kahit feeling na na-love at first sight ka sa kanya. Pakinggan ang payo ng mga nagmamalasakit. Ihanda ang sarili sa bagong adventure. Lucky numbers at color for the day ang 7, 29, 33, 37 at tangerine.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Nasa iyo na ang pagkakataon para makapagtatag ng sariling pamilya. Kilalanin ng mabuti ang pagkatao ng prospect mong maging kapareha sa buhay. Mara­ming mapagsamantala. Lucky numbers at color for the day ang 5, 25, 39, 41 at gold.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Sundan ang kutob at dito mo matutuklasan ang totoo. Ang iyong creative expression sa iyong emosyon ay magbibigay meaning sa buhay mo. Aralin itong mabuti Lucky numbers at color for the day ay 7, 31, 35, 44 at garnet red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Lagyan ng cctv camera ang iyong gusali. Ito ang safety measures upang makilala ang umaaligid sa bahay mo. Hangga’t maaari umiwas muna sa mga matataong lugar. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 39, 47 at ocean blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Matutuklasan ngayon ang mga nagmamalasakit sa mga bagay na mahalaga para sa’yo. Huwag magdalawang-isip sa pagtulong.  Siksik, liglig at umaapaw ang biyayang babalik sa’yo.  Lucky numbers at color for the day ang 1, 25, 31, 43 at peach.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Masuwerte sa iyo ang pagpapaputol ng buhok. May mahalagang mensahe ang matatanggap ngayon, nasa iyong konsiderasyon kung ito’y positobo o negatibo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 31, 33, 45 at avocado green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Isang kakaibang concept ang makapagpapabago sa iyong proyekto. Kung hindi magsasawa sa pagsisikap at pagtitiyaga, aani ng positibong resulta.  Lucky numbers at color for the day ang 19, 25, 47, 51 at marigold yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang poot ay isang mabigat na damdamin. Kapag namalagi ito sa’yo, maaaring magdulot ng masamang pakiramdam. Kalimutan na ang nakaraan at matutong magpatawad. Lucky numbers at color for the day ang 12, 13, 34, 45 at red.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with