^

Kutob

Pebrero 27, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung nalulungkot o nasasaktan, walang dahilan para magkunwaring masaya. Hindi kailan man makakabuti ang mabuhay sa pagkukunwari dahil walang ibang niloloko kundi ang sarili. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 30, 42 at beige.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ang akalang kay hirap gawin kapag nasimulan ay hindi pala ganoon kahirap. Huwag sayangin ang oras sa pag-iisip, simulan ang gawain at makikitang magiging masaya ang bawat saglit na gugugulin dito. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 23, 37 at orange.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Huwag mag-alala dahil ano man ang gawain ay tiyak maganda ang magiging resulta. Iwasan ang magtaray dahil sa halip na ang maaaring maging kaibigan ay siya mo pang makakaalitan o makakaaway. Lucky numbers at color for the day ang 13, 16, 39, 45 at green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Pinagpaguran mo ang lahat ng ano mang mayroon ka, ang proteksyon at pag-alaga ay pagtuunan ng pansin. Huwag magpadala sa emosyon ng pangungulila para hindi lumayo ang suwerteng tinatamasa. Alagaan ang sarili. Lucky numbers at color for the day ang 12, 24, 36, 42 at violet.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang tawag mula sa minamahal ang magpapaganda ng iyong araw. Huwag mahiyang magsabi kung may problema. Matutuwa pa nga siya dahil alam niyang hindi ka nagtatago ng sikreto. Express yourself. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 34, 40 at yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Marunong ka ngayong makisama at makibagay. 'Yan ang gusto ng mga kaibigan, kasamahan o kasambahay. Panatilihin ang ganitong ugali. Panahon ng pagbago ng ugaling masungit at aburido. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 35, 40 at red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Isiping mabuti kung ano ba ang nais gawin. Huwag magpadalos-dalos ng desisyon. Pag-aralan ang hakbang hanggang makamit ang hinahangad. Konsultahin ang minamahal sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 34, 41 at neon green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Mapagtatanto kung gaano nagmukhang tanga nitong nakaraang araw, na natakot sa isang bagay na hindi naman dapat katakutan. Maaa-ring ang hindi nakakatakot sa iba ay kabaligtaran naman ang dating sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 24, 39 at blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Pairalin ang utak, hindi ang emosyon. Mahalagang malaman kung sa anong paraan parehong gumagana ito. Dapat alamin kung paano ang puso at isip ay balanseng magagamit. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 34, 41 at brown.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang sobrang pagkataranta o pagmamadali ay lalo lamang magdudulot ng hindi magandang resulta. Resulbahin ang problema sa maayos at mahinahon na paraan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 26, 30 at strawberry red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Isang magandang balita ang matatanggap. Magi-ging magaan at maaliwalas ang pakiramdam. Maaaring yayain ka ng mga kaibigan na dapat hindi paunlakan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 25, 31 at burgundy.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Pinakamabisang paraan para mapaglabanan ang takot ay maging positibo sa kahit anong gawain. Ano mang hamon ang dumating ay kayang harapin kung positibo ang isipan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 25, 44 at white.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with