Pebrero 25, 2020
(Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2020 - 12:00am

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Huwag labis na magpokus sa isang bagay, dahil mababalewala ang iba. Huwag magmadali dahil lalo lamang magkakamali. Huwag hintaying mawala ng tuluyan ang isang bagay bago mapagtanto ang kahalagahan nito. Lucky numbers at color for the day ang 15, 27, 35, 40 at green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Mag-ingat dahil may mamamangka sa dalawang ilog at ang isang ilog ay ikaw. Masaklap kung magiging biktima ng salawahang pag-ibig lalo na kung may pananagutan na sa buhay. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 37, 42 at jade green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Mag-ingat at maging alerto upang hindi maulit ang nagdaang pagkakamali. Hu-mingi ng payo sa higit na nakakaalam upang magkaroon ng gabay. Umiwas sa taong tsismosa para hindi mapahamak. Lucky numbers at color for the day ang 8, 18, 24, 38 at brown.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Iwasan ang magmukmok sa isang tabi kung may problema, dahil walang mangyayari at panay sisi lamang ang maiisip. Sa halip na magmukmok, gumawa ng kahit anong bagay habang nag-iisip kung ano ang solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 34, 41 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Hindi ngayon ang panahon para makamit ang hinahangad. Huwag mawalan ng pag-asa dahil nasa tamang landas ang hinahangad. Makakamit lamang ang tagumpay kung pagsisikapan. Lucky numbers at color for the day ang 19, 20, 27, 33 at orange.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Mahalaga na nagkakaisa sa tahanan at maging sa trabaho, mangyayari lamang ito kung marunong makisama. Kung may hindi alam, pag-aralan ng matutuhan. Kung gustong magtagumpay, magsipag. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 23, 41 at yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Anuman ang gagawin ngayon, ang lubos na pag-iingat ay huwag kalimutan. Ang pinakamahalaga ay ang iyong kaligtasan. Kung nagmamaneho ng sasakyan, gamitin ng maayos ang mata, tainga, paa at kamay. Konsentrasyon ang pairalin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 34, 44 at purple.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Ang mabisang sandata laban sa mga naiinggit ay disiplina sa sarili, hinahon at pasensya. Kung alam na may naninira, huwag pansinin dahil inggit ang dahilan. Lalong pag-ibayuhin ang ginagawa. Lucky numbers at color for the day ang 7, 8, 36, 42 at blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Hindi na kailangan lumayo upang maging masaya dahil ang tahanan ang siyang magdudulot nito. Iwasan na lumabas ng bahay lalo na sa gabi. Huwag paunlakan ang anumang uri ng paanyaya ng barkada o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 34, 37 at red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Makakakilala ng tao na sa kalaunan ay magbibigay ng kasiyahan. Siya ang magsisilbing guro mo. Huwag pansinin ang anumang ma-ririnig na masakit na mga salita sa tahanan. Iwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 27, 32 at violet.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Bigyang pansin ang ibang bagay na maaaring makatulong para sa ikatutupad ng pangarap. Maaaring sa sobrang pokus ay may bagay kang makaligtaan. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 28, 40 at indigo.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Magtiwala sa mangyayari dahil makakarating ka sa patutunguhan. Maraming daan ang landas ng tagumpay, panahon na para suungin ang mga ito. Kumilos sa lalong madaling panahon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 25, 33 at maroon.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with