Pebrero 23, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2020 - 12:00am

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Magiging maganda ang panahon kung iiwasang masangkot sa hindi pagkakaunawaan. Isang nilalang ang may lihim na pagtingin ang matutuklasan. Ang magtanim ng hinanakit sa kapwa ay dapat iwasan. Panahon ng pagpapatawad sa nagkasala at paghingi ng tawad sa inaakalang may kasalanan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 30, 35 at aquamarine.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ang pakikipagtalo ay walang ibang pupuntahan kundi suliranin, kaya dapat iwasan ito ngayon. Ihanda ang kalooban sa maaaring maganap. Maswerte tungkol sa negosyo. Magplano o pag-aralan ang gawain para hindi magkamali. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 39, 41 at indigo.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ipokus ang pansin sa maaaring pagkakitaan at hindi sa walang kabuluhang bagay. Maaaring hindi maging maganda ang pagdalaw sa kamag-anak. Ipagpaliban ang binabalak na pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 4, 22, 31, 40 at jade green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Isang sorpresa ang naghihintay sa araw na ito. Maligaya at makulay ang romansa na maaaring mauwi sa kasalan. Makapagbibigay ng karagdagang mapagkakakitaan o side-line. Lucky numbers at color for the day ang 1, 6, 14, 31 at strawberry red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang naisip gawin ay huwag ipagpabukas. Ang kutob ay magkakatotoo. Ilagay sa ginagawa ang buong konsentrasyon para maiwasan ang pagkakamali. Walang magandang idudulot ang pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 15, 23, 38, 41 at white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang panahon ay umaayon sa pagtuklas sa mga bagay na makakatulong sa trabaho o sarili. Iwasan ang mga bagay na masama. Ang samahang pangkaibigan ay may pagkakataon na mauwi sa pag-iibigan. Lucky numbers at color for the day ang 19, 24, 30, 33 at ivory white.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Pag-aralan ng mabuti ang mga detalye bago pumalaot. Posible ang isang hindi inaasahang pangyayari. May dulot na hindi malilimutang karanasan kung makakadalo sa sosyal na okasyon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 32, 36 at purple.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Madali kang mabighani sa mga magandang bagay o pananalita. Maisasaayos ng kamag-anak ang problema tungkol sa salapi. May suwerte ang negosyo. Katapatan ang hinahangad ng iniibig. Lucky numbers at color for the day ang 16, 21, 33, 37 at yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Magiging masigla ang paggawa. Subalit ang matin-ding kaligayahan o kalungkutan ay maaaring maghatid ng hindi magandang mangyari sa kalusugan. Ang hindi pagkakaunawaan ay malulunasan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 12, 35 at magenta

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang pagbabago o paglaki ng mga gastusin ay makapagpapabago sa takbo ng negosyo. Simulan ang magti-pid at mag-impok. Hinahon ang pairalin dahil may mga taong hindi ka maintindihan o maunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 5, 10, 20 at green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Maging maunawain kung ang mga kasamahan ay mabagal kumilos. Ang taglay na karisma ay mabisang sandata. Matutuklasan ang taong may lihim na paghanga sa'yo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 11, 21 at blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Walang magiging balakid sa ibig mangyari. Ang sama ng loob sa minamahal tungkol sa tahanan ay magkakaroon ng solusyon. Ang pagbibigay ng payo sa kaibigan ay magiging mabisa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 26, 34, 37 at forest green.

HOROSCOPE KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with