Pebrero 22, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang munting suliranin sa minamahal ay hindi dapat dalhin hanggang sa pinagtatrabahuhan. Isang lihim ang hindi inaasahang matuklasan. Iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung may pag-aalinlangan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 29, 39, 41 at oak brown.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Taglayin ang kahinahunan at pang-unawa dahil magiging malapitin ka ng mga taong  pikon at mainitin ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang mahabang pasensya. Iwasan ang pangako at mangako. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 32, 33 at pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Nasa magandang pakiramdam ang katawan upang tapusin ang lahat ng trabahong nakaatang. Isang tawag mula sa mahal ang makadaragdag ng kaligayahan. Magiging masaya at mapayapa ang tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 20, 25, 33, 34 at green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Mag-ingat dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Ang mga pagkakamaling nagawa ay malamang maulit. May kaunlarang matatamo kung positibo ang nasa isip. Lucky numbers at color for the day ang 15, 30, 40, 41 at neon green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan pero iwasan ang labis na gastos. Mahalaga ang magplano sa bagay na gustong simulan. Makakatulong ang isang matalik na kaibigan sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 22, 39, 40, 42 at aqua blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak o mga kaibigan. Mapagtitibay ang relasyon sa tahanan. Maayos at walang balakid ang takbo ng mga gawain. Bagong pag-ibig ang makakagulo sa isipan at kalooban. Lucky numbers at color for the day ang 13, 22, 35, 39 at brown.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. May babalang gusot na mangyayari mula sa kamag-anak o sa tahanan. Isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o manghihiram ng pera. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 33, 40 at jade green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Ang dapat desisyunan ay pag-isipan muna bago pumalaot. Kung maga-apply ng trabaho, sa umaga lakarin at tiyak matatanggap kung tama ang posisyon na kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 30, 42 at electric blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Tanggapin kung nagkamali kalakip ang kaluwagan ng kalooban. Mahalaga ang magtiyaga. Ang payo kung gustong isaalang-alang ay pag-aralan muna ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 23, 40 at orange.

 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Taglay ang kasiglahan su-balit madaling mapipikon, magiging mainitin ang ulo at madaling magalit. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba. Lucky numbers at color for the day ang 18, 27, 36, 40 at bold yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Taglay ang pambihirang talas ng isip sa pagsasaliksik. Makakatawag ng pansin sa kausap upang pakinggan. Magagawang makumbinsi ang kahit makulit o makitid ang isipan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 24, 34, 38 at mint green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Iwasan ang mga tsismosa at pakialamera para hindi masangkot sa gulo. Bigyang halaga ang kalusugan. A-yusin kaagad at huwag ipagwalang-bahala ang suliranin sa bahay o trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 25, 37 at sky blue.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with