Pebrero 20, 2020
(Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2020 - 12:00am

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) May magaganap na pagbabago sa relasyon o trabaho. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Iwasan ang anumang hakbang na may kinalaman sa salapi. Huwag mangutang o magpautang. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 17, 20 at ruby red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Wala dapat asahan ngayon kundi ang sarili. Ang sosyal na aktibidad ay makapagbubukas ng bagong relasyon sa pag-ibig o sa trabaho. Ang payong pinansyal ay isaalang-alang at dapat pag-aralan ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 1, 5, 17, 23 at blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Suriing mabuti ang mga proposisyon bago sumang-ayon. Ang anumang transaksyon ay dapat isagawa sa umaga. Iwasan ang mga mapagsamantalang kasamahan sa trabaho. Lucky umbers at color for the day ang 9, 11, 18, 40 at metallic green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Akyat-panaog ang sitwasyon sa pag-ibig. Iwasan pansamantala ang makipag-date.  Angkop ang araw sa pagpapayaman ng karunungan at karanasan. Ang mga nagmamalasakit sa kapakanan ay dapat pasalamatan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 7, 17, 26 at peach.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Mahaharap ka sa alanganing sitwasyon. Ang kumplikasyon tungkol sa salapi ay maisa-saayos. Huwag pansinin ang maririnig na mga usapan na walang halaga para hindi masayang ang oras. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 24, 36 at navy blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Iwasan ang mag-alinlangan tungkol sa relasyon. Sa mga dalaga, ang labis na pagseselos ang papatay sa relasyon. Hindi dapat magpadala sa sulsol o paninira ng iba. Mag-isip ka. Lucky numbers at color for the day ang 4, 27, 30, 40 at red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ilagay sa tama ang gastusin, bayaran ang inutangan. Mahalaga ang tulong ng mahal. Maging mahinahon sa pagtanggap ng pagkakamali. Pahalagahan ang mga taong tumulong sa'yo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 27, 41 at indigo.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Hanapin ang tamang paraan upang mapagtagumpayan ang kasalukuyang negosyo o trabaho. Taglay ang maliwanag at malikhaing pag-iisip kaya matatapos ang gawaing sinimulan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 27, 42 at pink.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang kooperasyon sa trabaho o mga gawain ay maaasahan ng mga kasamahan. Patungo sa tagumpay ang buhay, kung pananatilihin ang kasipagan. Ang kalusugan ay dapat alagaan. Lucky numbers at color for the day ang 19, 26, 27, 29 at honey yellow orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Huwag mabahala kung may mga pagbabago. Sa paraang mahinahon ang problema na kasangkot ang ilang kasamahan sa trabaho ay madaling malulunasan. Maaasahan ang isang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 29, 40 at purple.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Daranasin ang kaligayahan kung pipirmi sa loob ng tahanan. Ang bagay na may kaugnayan sa pinansyal ay dapat bigyang pansin at wastong paraan sa paggamit. Lawakan ang pang-unawa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 18, 28 at green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Maitatawid ang anumang suliranin. Magkakaroon ng magandang relasyon sa bagong kakilala. Bigyang pansin ang kalusugan. Ang magandang kapalaran ay umaayon sa salapi o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 18, 42 at malachite green.

HOROSCOPE KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with