Pebrero 19, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2020 - 12:00am

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Makakagawa ng makabuluhang bagay alinsunod sa talino at kakayahan. Kailangan ang dagdag na kilos sa araw-araw na gawain kung ang hangad ay kaunlaran. Sa pag-aliw o pagsasaya, sika-ping ilagay sa pinakamababa ang paggasta. Simulan ang magtipid at mag-impok upang may magamit sa panahon ng pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 12, 15, 13, 39 at turquoise.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Manghingi at ikaw ay bibigyan. Ngayon ang panahon sa paghingi ng dagdag na sahod. Mahalaga ang makinig sa payo ng mga magulang. Maaasahan ang mga kaibigan. May kahirapang pakibagayan ang mga kasamahan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 14, 38 at yellow.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Maipapakita o kusang lilitaw ang katalinuhan at kakaya-han sa gawain. Ang mahal sa buhay ay makakatulong sa paglutas ng kasalukuyang problema. Bigyang ha-laga ang kalusugan. Iwasan ang labis na pagpupuyat. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 26, 37 at red.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Tatambakan ka ng gawain ngayon. Pero kahit tambak ang trabaho, magiging masayahin subalit madaling mapikon. Maisasaayos ang relasyon sa taong nakasamaan ng loob kung bibigyan ng pansin. Iwasan ang sugal at tsismis, kundi mababaon ka sa utang. Lucky numers at color for the day ang 2, 7, 10, 22 at fuchsia.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Higpitan ang sinturon ng badyet at iwasan ang pagyayabang sa marangyang gastusan. May suwerte sa negosyo kung magsisimula ngayon. Mag-ingat sa labis na pagkagiliw sa mga matatamis at maaalat na pagkain. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 27, 31 at citrus yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang pinansyal ang pangunahing problema. Ang pakiki-pagtalo tungkol sa pera ang sisira sa katahimikan ng ta-hanan. Mahalaga na tapusin ang gawaing matagal ng hindi matapo-tapos. Huwag makinig sa tsismis at kaguluhan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 6, 38 at chinese blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Iwasan ang anumang uri ng pakikipagsapalaran. Panatilihin ang mainit na samahan sa loob ng tahanan, kaibigan at sa mga kasamahan sa trabaho. Iwasan ang argumento dahil maaaring mauwi sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 24, 36 at green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Pansamantalang may kabagalan ang negosyo. Ang pamimili at pagbebenta ay hindi inaayunan ng panahon. Ma-ging maunawain at mahinahon sa pagharap ng problema. May suwerteng darating sa mga susunod na araw. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 13, 29 at lavender.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Pagsikapan na matakpan ang mga kumpromiso. Maging tapat sa pagsasabi kung ano ang nasa kalooban at damdamin. Huwag ilihim ang mga bagay na ibig sabihin. Ang gawain ay magtatagumpay, subalit taglayin ang ibayong pag-iingat. Lucky numbers at color for the day ang 7, 8, 22, 32 at white.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Tanggapin ng buong puso ang mungkahing ibibigay. Ang aktibidad na may kinalaman sa kaibigan ay ipagpaliban. Nga-yon mapagtatanto o makikilala kung sino ang tunay na kaibigan at kung sino ang kaibigan lang sa pakinabang. Lucky numbers at color for the day ang 10, 11, 19, 29 at emerald green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang sosyalan ang siyang iiral ngayon. Sikapin na mapaligaya ang mahal dahil may pagtatampo. Bigyang halaga ang mga aktibidad na panta-hanan at para sa pinapasukan. Iisi-pin na walang nakita at narinig sa mga mangyayari. Magiging malihim. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 29, 41 at jade green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang magkasalungat na opinyon ay siyang magbibigay daan upang pumagitna ka sa usapan. Huwag maniwala agad sa impormasyong matatanggap. Magkakaroon ng magandang relasyon sa bagong kakilala. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 22, 40 at maroon.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with