Pebrero 18, 2020
(Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2020 - 12:00am

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kailangan ang mamili at magpasya kung sino nga ba ang gusto. Maaaring ang dalawang interesado ay magtatanong kung sino ang iyong pipiliin. Maaa-ring ang kasintahan ay yayain ka ng magpakasal. Tiyakin na ang pagpapasiyang gagawin ay mula sa puso at matinong pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 30, 42 at almond yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Magiging padalos-dalos ka ngayon. Huwag kaagad gumawa ng desisyon kung hindi tiyak ang gusto. Kung may pag-aalinlangan, kumunsulta sa higit na nakakaalam. Lucky numbers at color for the day ang 10, 26, 33, 40 at violet.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Madarama ngayon ang tamis ng tagumpay. Unti-unting makikilala ng mga sosyal na tao. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Maging malambing ka. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 30, 41 at tangerine.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) May mapapasukan na mahalagang kasunduan. Magaganyak kang makipagsapalaran pero lubos na pag-iingat ang kailangan. Lumayo sa tsismosa para hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 39, 42 at sky blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Iwasan ang pagyayabang dahil ang balik ay kahihiyaan. Kung may naisip, gawin ay kumilos ng tahimik para masiguro na mapapasakamay ang magandang resulta. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 39, 42 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kung gustong makausap ang taong nahihiyang lumapit, ikaw na ang gumawa ng hakbang para magkausap kayo. Iwasan ang maging masungit dahil lalayo ang grasya. Lucky numbers at color for the day ang 4, 16, 27, 31 at brown.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal. Para makasiguro, kausapin siya ng masinsinan. Huwag kimkimin kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 24, 39 at peach.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Hindi maganda ang balitang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pi-nansyal o pag-ibig. Huwag hayaang maapektuhan ang sarili at malalampasan ng matiwasay ang gusot. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 24, 35 at maroon.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kakambal ng pag-ibig ang tiwala. Kung nagseselos, insecured ka lang. Ang mabisang gawin ay ipakita ang taos pusong pagmamahal sa gawa. Maging maalalahanin para mapamahal ka. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 19, 38 at red.

orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang kakaibang nararamdaman sa katawan ay dahil sa pagbabago ng panahon. Bigyang pansin ang kalusugan. Ang magbakasakali maliban sa sugal ay inaayunan ng signos. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 24, 36 at orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Iiral ang kayabangan na dapat iwasan para hindi kainisan. Ang pagpapakumbaba at pagkamaginoo ay hahatak ng respeto sa pagkatao. Ang kayabangan ay aani ng pagkutya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 26, 37 at green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magbibigay ng sakit ng ulo sa kapwa na dapat iwasan. Kung walang self control, may mga taong magagalit. Huwag magpadalos-dalos sa pagsasalita. Pairalin ang pagkamahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 25, 40 at gray.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with