Pebrero 16, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Iwasan ang maging magagalitin. Magkaroon ng malakas na disiplina sa sarili. Huwag patagalin ang isang bagay na gustong sabihin dahil ito ang magbibigay ng suliranin sa kalaunan. May pagkakataon na makabili ng bagay na hindi kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 35, 40, 42 at gold yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Iwasan ang manghiram at magpahiram ng pera. Huwag maging emosyonal, sisirain nito ang maganda mong araw. Maging mahinahon, huwag magpadalos-dalos. Lucky numbers at color for the day ang 7, 26, 31, 40 at ruby red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ang pagmamadali ay magbubunga ng pagkakamali, na dapat iwasan. Sikapin na maging maagap sa pagtupad ng gawain. Ugaliin ang mag-ipon para sa magandang kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 19, 31, 38 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magtiwala sa sariling kakayahan at tiyak magtatagumpay. Apektado ka sa love problem ng kaibigan. Pasalamatan ang mga biyayang tinatamasa. Ang paggawa sa loob at sa kapaligiran ng bahay ay mahalaga. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 32, 40 at green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Iwasan ang magalit na hindi alam ang mga detalye. Paghandaan ang anumang pagkakataong darating. Ma-ging matalino sa pagpili ng taong pagkakatiwalaan, para makalayo sa bitag ng traydor. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 26, 39 at yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang aspetong pinansiyal ay makakapagpabago para humanap ng ibang mapagkakakitaan. Mag-ingat lagi para makaiwas sa disgrasya. Iwasan ang tukso ng karangyaan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 22, 40, 41 at purple.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Mag-ingat sa kilos at pana-nalita ng hindi makasakit ng kapwa. Pag-ukulan ng pansin ang pakikisama sa mga katrabaho. Makakaasa sa katapatan ng kaibigan. Ang pakikisalamuhang sosyal ay magiging masaya. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 35, 38 at red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Maging mapamaraan sa pakikitungo sa mga kasamahan sa trabaho at kasambahay. Iwasan ang mapikon sa panunukso. Isang mapalad na transaksiyon ang mabubuo. Madaling matugunan ang suliranin sa pera. Lucky numbers at color for the day ang 4, 27, 35, 39 at corn yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Isang pagsubok ang magaganap. kakailanganin dito ang talino at pag-iingat. Isang malapit na kamag-anak ang hihingi ng tulong. Ang suliraning pangpamilya ay madaling malulutas kung pagtutuunan ng pansin. Lucky numbers at color for the day ang 12, 13, 27, 42 at violet. orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag itali ang pananagutan sa pangako dahil hindi matutupad. Bigyang halaga ang panig ng iba. Kasaganahan ang hatid ng araw kung iiwasan ang magalit. Makakamit ang hangarin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 16, 33 at blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Nakasentro ang mga pangyayari sa personal na gawain. May pakinabang na pinansiyal ang dadaluhang sosyalan. Matutupad at maibibigay ang matagal ng naipangako. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 24, 34 at jade green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang paghingi ng paumanhin. Malalantad ang magandang pagkakataon na hinahangad. Magiging taliwas sa inaasahan ang mga pangyayaring magaganap. Huwag maging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 28, 39 at orange.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with