Pebrero 13, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2020 - 12:00am

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Magiging mabunga at mabiyaya ang araw kung hindi tatamarin. Mabibigyan ng tamang lunas ang suliranin sa loob ng tahanan o tanggapan. Isang kaibigan ang tatawag ng iyong pansin dahil sa kanyang problema. Maaaring may magkasalungat sa mga ideya sa tahanan o pinapasukan. Magagamit mo ngayon ang talino sa pagdedesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 1, 13, 24, 33 at lemon green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Maganda ang landas sa personal na hangarin kung bibigyan ng pansin at panahon. Ang kalagayan sa buhay ay may pagbabagong nilalandas. Magandang pagkakataon upang baguhin ang mga pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 10, 31 at red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) May pagkakataon na mapagbuti ang kalagayang pinansyal kung paglalaanan ng panahon ang paghahanap ng solusyon. Ang tiwala ng kapwa ay dapat suklian ng tapat na paglilingkod. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 24, 42 at blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magiging magaan ang pasok ng pera kung may negosyo. Isang limot na pag-ibig ang mananariwa. Malapit ka sa disgrasya ngayon, kaya taimtim na panalangin at ibayong pag-iingat ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 36, 42 at pink.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) May kaibigan na marunong magmalasakit para sa ika-bubuti kung kakailanganin. Isang malapit sa'yo ang dadalaw. Pag-ibayuhin ang pagmamatyag at pagmamasid, at may sekreto kang matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 36, 42 at yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Iwasan ang maghangad ng bagong relasyon o bawal na pag-ibig. Dahil bukod sa sisirain ang pagtitiwala sa iyo, malaking gulo ang nasa dulo. Matatanggap sa inaaplayan kung lalakarin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 28, 31 at green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Huwag abusuhin ang sarili sa pagpupuyat, paglalasing o pagsusugal. Panindigan ang binitiwang pangako upang hindi masira ang reputasyon. Maging maingat sa pagpili ng kaibigan. Huwag makinig sa tsismis. Lucky number at color for the day ang 5, 19, 27,  30 at tangerine.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Malaki ang pag-asa na magtatagumpay sa pag-ibig. Maaaring makagawa ng mahalagang desisyon tungkol sa anak, kapatid o kaibigan. Naaayon ang panahon upang lapitan ang mga maimpluwensyang tao. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 17, 36 at beige.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Mag-ingat sa pagbubuhat ng mabigat na bagay dahil may kahinaan ang bandang baywang. Ingatan ang paggamit ng mga matutulis at matatalas na kagamitan o mga bagay. Lucky numbers at color for the day ang 16, 19, 36, 40 at emerald green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Isang hindi inaasahang balita ang magbibigay ng kaligayahan. Makakagawa ng isang bagay na kapaki-pakinabang sa pinagtatrabahuhan o sa sarili. Huwag magpautang at huwag umutang dahil mahihirapan sa pagbabayad. Lucky numbers at color for the day ang 2, 11, 14, 27 at gold.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung gustong makarating sa patutunguhan, dapat marunong lumingon sa pinanggalingan. Mahalaga ngayon ang makinig sa payo ng mga magulang. Maging totoo sa iyong sarili at sa iyong mga sinasabi. Lucky numbers at color for the day ang 7, 22, 31, 36 at purple.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May panahong nakalaan upang mapag-ukulan ang pansariling binabalak. Huwag gaanong ibigay ang tiwala sa iba, maliban sa sarili. Isang hindi inaakalang sorpresa ang darating. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 24, 42 at peach.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with