Pebrero 12, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2020 - 12:00am

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Maraming dapat gawin subalit ang kalituhan ang magbibigay ng abala. Lalong makakabuti kung makukuha ang suporta ng pamilya sa mga binabalak. Isang kaibigan ang maghahatid ng balitang ikakaligaya o ikakalungkot. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 36, 41 at aquamarine.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Makakabuting kumilos kaagad bago mahuli ang lahat. Magandang balita dahil ang mga hinanakit ay mapapalitan ng kaligayahan. Huwag paniwalaan ang pamimika at pang-aasar ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 10, 22, 30, 34 at midnight blue.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Isang kaibigang Virgo ang magbibigay ng kaligayahan o tulong. May pagkakataon na malutas ang suliranin tungkol sa pera. Ipagpaliban kung ano ang desisyon upang mapag-aralan ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 12, 14, 24, 39 at platinum pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magandang balita tungkol sa pag-ibig dahil magiging masaya at walang problema. Subalit mag-ingat sa pagpapahayag sa taglay na hinanakit at baka hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 32, 40 at orange.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Bad news dahil nasa signos ang aksidente kaya iwasan ang paanyaya ng mga barkada. Iwasan ang maglakbay ng malayo lalo na kung tatawid ng dagat. Hangga't maaari manatili sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 31, 37 at ruby red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Good news dahil magiging mapalad sa itatayong negosyo kung sisimulan. Gumawa ng tahimik at pairalin ang pagtitiyaga. Makakatagpo ng mga bagong kakilala sa isang pakikisalamuhang sosyal. Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 22, 34 at violet.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Nasa panig ng kaunlaran ang kalagayang pinansyal. Pag-aralan ng mabuti ang mga bagay na dapat pagdesisyunan. Mag-ingat sa mga sasakyan. Iwasan ang magulong lansangan. Lucky numbers at color for the day ang 13, 24, 33, 39 at white o dirty white.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Iwasan ang mangako. Maganda ang panahon sa mga namamasukan sapagkat mapapalabas ang angking kakayahan at talino. Hindi angkop ang maglakbay. Iwasan ang mapasubo sa pakikipagsapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 10, 18, 21, 39 at light green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Umaayon ang panahon sa pagpaplano ng magandang paraan para sa ikauunlad ng sarili. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Malamang makadalo sa simpleng okasyon ng kapit-bahay o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 31, 38 at blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang sikretong itinatago na hindi napapanahong malaman ng iba ay malamang matutuklasan. Ang inaasahang pera na matagal ng hinihintay ay hindi makakarating ngunit maaalintana lamang. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 11, 36 at emerald green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Malakas ang ESP kaya ang kutob ay dapat sundin. Kailangan ang malaking pakikibagay sa mga nakakataas sa tungkulin. Iwasan ang magpagabi sa labas ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 29, 32 at lavender.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May pagkakataon na mapabuti ang kalagayang pinansyal. Matutong manindigan sa sarili at laging isaisip ang kahalagahan ng pera at panahon. Ang inaasahan ay darating sa tamang oras. Lucky numbers at color for the day ang 9, 36, 39, 42 at mustard yellow.

BISAYA HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with