Pebrero 11, 2020
(Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2020 - 12:00am

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Huwag mangutang o magpautang dahil mahihirapan sa pagbabayad o hindi mababayaran. Kung gustong magkaroon ng kaaway, ngayon magpahiram ng pera. Kung gusto na maging walang laman ang iyong wallet o mabutas ang bulsa, harapin ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 2, 28, 34, 39 at lavender.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kapag sinunod ang kutob sa mahinahong paraan, tiyak hindi ka magkakamali sa gawain o sa pagdedesisyon. Huwag paniwalaan ang payo o suhestiyon at baka masira ka. Kung magdalawang-isip, pag-aralang mabuti bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 25, 36 at silver gray.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) May biglaang pagbabago sa takbo ng buhay, kaya dapat maging handa sa lahat ng oras. Walang stability ang negosyo kaya akya’t panaog ang kita. Magandang pagkakataon para pag-isipan kung papaano madaragdagan ang kinikita. Lucky numbers at color for the day ang 6, 16, 27, 40 at cream.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung taimtim ang panalangin, tiyak mabibigyan ng liwanag ang landas na tinatahak. Ang pangunahing suliranin ay pera at ito ay mareresulba kung malinis ang hangarin sa paggagamitan dahil may magpapahiram. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 23, 37 at peach.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Dalawa ang mukha ng payo, may masama at may mabuti. Kung may magpapayo, magdalawang-isip ka dahil malamang gusto kang sirain o ibagsak. Kung ang magulang ang magsesermon, ilagay sa isip at tanggapin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 30, 43 at purple.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kahit masakit sa kalooban, nararapat lamang na maru-nong kang umunawa sa sitwasyon ng kapwa upang hindi makasakit ng kalooban. Kahit may katuwiran, maging mahinahon at mapagpakumbaba para galangin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 29, 34 at white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Magandang balita sa mga positibong pananaw, dahil nasa tamang landas ang kaunlaran. Walang magi-ging suliranin o sagabal sa binabalak gawin o ginagawa. Mag-ingat sa matutulis at matatalas na bagay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 28, 37, 42 at coral pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kung ano ang iniisip gawin, ituloy kaagad ng may makitang magandang kalalabasan. Su-balit kung palilipasin, walang mangyayari. Iwasan ang magbiro at pumuna dahil makakasagupa ka ng taong makitid ang pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 29, 38 at mint green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Ang hindi inaakala ay maaaring mangyari. Kung kabutihan ito, magpasa-lamat. Ang pagtitimpi sa ugali ng iba o ng magulang ay magtulak sa’yo para magmistulang bulkan na sasabog. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 27, 41 at navy blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Magsaya dahil ang tulong na kailangan ay walang hadlang na mapapasakamay. Tutukan ang pang-personal na kailangan, ngunit bigyan ng prayoridad ang trabaho ng maiwasan ang problema. Lucky numbers at color for the day ang 18, 30, 33, 41 at yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Huwag magmadali na makamit ang hinahangad at ito'y kusang darating sa tamang oras at pagkakataon. Ano man ang saloobin, nararapat lamang na ilantad. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 22, 30 at royale blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May katapat ang lahat. Kung gumawa ng kabutihan ngayon, matatanggap ang gantimpala. Hindi sa lahat ng panahon ay makakapagtago ka sa iyong inuta-ngan o pinagsinungalingan. Lucky numbers at color for the day ang 14, 22, 34, 45 at avocado green.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with