^

Kutob

Enero 28, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Iwasan ang maglasing baka sa hospital ang gising. Mag-practice ng yoga meditation upang mas maging malusog. Disiplinahin din ang pagkain, tantanan ang taba at mamantika. Piliin ang tubig kaysa softdrinks. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 1 1, 19 at neon green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Meron kang choice sa pagharap ng problema. Ang oracion meditation ang magpapakalma ng kalooban at magdudulot ng malinaw na kaisipan. Dito mo maaakit ang solusyon para makakawala sa ina't ibang gusot ng buhay. Lucky numbers at color for the day ang 19, 22, 35, 41 at hot pink.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ang katotohanan ang magpapalaya sa’yo lalo na sa utang na babayaran mo. Hindi sugal ang solusyon kundi ang tapat na pagsisikap at tiyaga. Subukan ang oracion meditation. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 31, 44 at garnet red.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung ano ang laman ng kalooban, ‘yun din ang lalabas sa iyong gawa. Ano man ang napi-ling landas, aakitin ang swerte kung sasanayin ang sarili na purihin ang ina at tataglayin ang positibong isip, pagsasalita at paggawa. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 29, 41 at tangerine.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Mula sa Maykapal ang lahat ng mabubuting bagay.  Ang katuparan ng matagal nang hinahangad ay samahan ng tuluy-tuloy na paggawa para magkaroon ng linaw ang landas ng tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 17, 33, 39 at pearl white.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kumunsulta sa psychic bago magdesisyon sa isang negosyo na dapat simulan. Paha-lagahan ang kalusugan dahil balewala ang tatamasahing yaman kung nasa banig ka ng karamdaman. Lucky numbers at color for the day ang 1, 29, 33, 47 at beige.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Purihin ang ina ganun din ang kapwa para maangkin ang masiglang swerte. Magagawang makontrol ang iritasyon sa kausap kung sisikapin na maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 19, 22, 29 at bottle green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Personality disorder ang sign ng selos.Kung ganito ang nararanasan mo, lalo kung nabubugbog ka dahil dito, huwag ng patagalin ang kalbaryo, mag-report na sa barangay at iligtas ang sariling buhay bago pa mahuli ang lahat. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 35, 44 at lavender.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Isang kaibigan ang masasalubong at umaatikabong kwentuhan na ang kasunod. Kung masyadong mahinhin ang kilos at pagsasalita, huwag magtaka kung mapagkalamang bading. Hindi kasi tugma 'yun sa machong kagaya mo. Lucky numbers at color for the day ang 15, 29, 37, 44 at carnation red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kumunsulta sa psychic para matamo ang gabay sa problemang hindi mo mawari. Ang paninira sa’yo ay senyales na nasa hilera ka ng mabungang prutas, kaya gusto kang pukulin. Lucky numbers at color for the day ang 15, 35, 39, 49 at peach.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Magiging masaya dahil magkakaroon ka ng financial freedom. Maaakit mo ang isang business opportunity na tuluy-tuloy ang daloy ng income. Higit na pagpapala ang hatid ng mabuting gawa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 35, 44 at pink.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang paglalaro sa casino ay hindi investment, hindi rin ito relaxation. Kumunoy ito na unti-unting maglulubog sa’yo hanggang sa hindi ka na makagulapay. Kaya tantanan ang sugal. Lucky numbers at color for the day ang 19, 31, 33, 44 at purple.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with