Enero 21, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2020 - 12:00am

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Isipin ang kapakanan ng madla bago mag-react sa isang kaganapan. Maging generous sa pagpuri sa kapwa. Dahil hindi lahat ay magagawang i-please, asahan na may ilan na magbibitaw ng uninspiring words. Don’t be distracted, keep on moving. Lucky numbers at color for the day ang 18, 29, 35, 44 at lilac.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Huwag kimkimin ang hinagpis at poot dahil magdudulot ito ng hindi maganda sa iyong kalusugan. Mas mabuting mahalin ang kaaway para pagmamahal din ang makamit. Ibayong pag-iingat ang pairalin sa tuwina. Lucky numbers at color for the day ang 18, 29, 35, 37 at tangerine.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Maging positibo sa iyong pa-nanalita, purihin ang iyong ina dahil makakatulong ‘yun para maakit ang kasaganahan at magandang kalusugan. May kapamilya na lalapit, huwag dedmahin kung kaya naman pagbigyan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 41, 49 at electric blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Makikilala ang iyong twin flame o soulmate. Magpa-past life regression upang makasiguro na siya na ang iyong perfect life partner. Kung magko-commute, tiyakin na makapagsuot ng mask para maprotektahan ang sarili. Lucky numbers at color for the day ang 21, 33, 55, 29 at dollar green.                                           

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ang makiusap ang paraan upang magkaroon ng extension sa pagbabayad ng loan. Mag-practice ng oracion meditation para maakit ang solusyon sa problema. Ikaw ang unang magtitiwala sa iyong sarili. Lucky numbers at color for the day ang 21, 29, 35, 49 at purple.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magsisimula na ang pag-usad ng buhay. Matututo ng mahalagang leksiyon, bagay na laging alalahanin para maharap ng may karunungan ang mga susunod na pagsubok. Subukang maging vegetarian para pumayat ka. Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 29, 33 at satin white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Huwag magpaapekto sa mapanirang tsismis, sanayin ang sarili sa mga positibong salita.  Maging generous sa papuri sa kapwa, bilangin ang biyaya at pasalamatan ang Maykapal sa daily blessing na kaloob Niya. Lucky numbers at color for the day ang 15, 33, 49, 51 at flame red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Suriin ang kontrata bago mo lagdaan. Panatilihin ang harmony sa tahanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang komunikasyon. Magbigay ng good deed sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 29, 35 at lavender.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Maging tapat sa iyong mahal. Dahil maituturin siyang perlas sa buhangin at hindi ka na makakakita ng gaya niya. Kaya baguhin ang mga maling gawi bago pa mauntog ang ulo niya. Lucky numbers at color for the day ang 22, 39, 47, 54 at golden brown.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Mas lalo kang magpaka-tatag dahil sa mga paninirang ginagawa sa'yo. Sa bawat issue, mas umaa-ngat ang iyong tagumpay. Manatiling mapagpa-kumbaba at huwag patulan ang mapanadya. Lucky numbers at color for the day ang 9, 12, 29, 33 at green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Makiusap ng mahinahon, dahil nasa mabuting salita ang pagkalma ng kalooban, na makakatulong para matapos ng malinaw ang usapin. Isang malapit sa’yo ang hihingi ng payo o tulong. Lucky numbers at color for the day ang 1, 5, 17, 41 at yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Pag-isipan  ng mabuti bago magsalita para maiwasan na makasakit ng kapwa. Kung in a relationship ka, hindi uubra ang pagpapa-cute sa pusong nasaktan, mag-effort para makita ang iyong sincerity. Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 29, 31 at violet.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with