Enero 19, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2020 - 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Masigla ang daloy ng salapi. Kung pagtitinda ang negosyo, lahat sold out. Maibabalik ang harmony sa kalooban dahil matatapos na ang mga agam-agam. Magkakaliwanagan na kayo ng iyong partner. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 22, 33 at citrine yellow.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang pagpanig sa barkada ay makakabawas sa tiwala ng mga kapamilya. Maging matalino sa pagdedesisyon at huwag basta makinig sa kung sino. Hindi makakabuti ang bisyo ng alak at paninigarilyo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 13, 29, 45 at indigo.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Matutuklasan ang ugat ng maling balita. Sikapin na maitama ang anumang pagkakamali, habang may pagkakataon ka pa.  Isang kaibigan ang bibisita, huwag siyang itaboy dahil magandang oportunidad ang hatid niya. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 22, 35 at scarlet red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ito ang takdang panahon  para simulan ang negosyo na matagal ng binabalak. Magpa-feng shui upang maakit ang helpful costumers. May bagong idea na maiisip. Pag-aralan muna itong i-apply sa iyong trabaho o negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 17, 28 at neon green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Sanayin ang sarili na magsalita ng positibo. Para ang bawat lalabas sa bibig ay maging inspirasyon sa makakarinig. Kung may lalapit para sa tulong pinansiyal o payo, huwag pagkaitan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 29, 37 at carnation pink.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Masasayang ang iyong kinabukasan kung magpapasakop sa galit na wala namang katuturan. Baguhin ang mind set at maki-pagmabutihan sa mga nakasamaan ng loob, para mabago rin ang bawat araw mo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 19, 21, 39 at purple.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Mag-ingat sa pagsya-shopping dahil baka madukutan ka. Huwag lubos na magtiwala sa bagong kakilala. Hindi ka nakakatiyak sa pakay niya, kaya huwag basta ilahad ang mga plano mo sa isang proyekto. Lucky numbers at color for the day ang 22, 27, 31, 41at beight yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kakalat ngayon ang mga mapanirang tsismis tungkol sa iyong karelasyon. Sikapin na magkaroon ng harapang pakikipag-usap sa iyong boss tungkol sa mga issues ng work performance. Mag-ingat dahil may isang magtatraydor. Lucky numbers at color for the day ang 1, 17, 29, 36 at cherry red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Hinahon ang kailangan sa pagpo-process ng mga tran-saksiyon, pribado man o kaugnay sa opisina. Mahalaga ang mag-brain storming para maliwanagan ang hakbang tungkol sa proyekto. Lucky numbers at color for the day ang 7, 13, 33, 41 at mustard yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Maaliwalas ang araw para sa’yo. Ngayon darating ang matagal ng ka-chat. Kung magkakasundo, posible maiba ang level ng inyong samahan. Maaaring magkaroon ng bagong habit, kasama na rito ang pagluluto. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 22, 39 at fuchsia pink.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Nakatakda ang tagumpay para sa gaya mong masikap at matiyaga sa bawat gawain. Huwag pakinggan ang mga mapanirang opinyon, lahat naman ay makakapag-comment. Lucky numbers at color for the day ang 5, 29, 33, 39 at chinese gold.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Simulan ang fitness program. Magkaroon ng balance diet at disiplinahin ang sarili. Magpahinga ng sapat at kumain ng masustansiya. Tantanan na ang mga maaalat at mamantikang pagkain. Lucky numbers at color for the day ang 6, 9, 16, 20 at yellow.

 

 

 

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with