Enero 18, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kumunsulta sa pinagkakatiwalaan para matamo ang gabay na kailangan. Isang malaking desisyon ang maaaring ikonsidera, maaaring may kaugnayan sa personal na buhay o career. Pag-isipan ng mabuti, huwag magpadalos-dalos. Lucky numbers at color for the day ang 5, 25, 39, 45 at jade green.

AQUingatanARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ingatan ang iyong kalusugan. Magsimula ng fitness program, itigil ang lahat ng bisyo na makakasama sa’yo. Disiplina ang susi para makakawala sa madalas na pagkahapo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 18, 54 at amber.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Sa iyong spiritual practice matutuklasan ang susi para mapagaan ang mga dinadala sa buhay. Ang malimit na hindi pagkatulog ay maaaring pahiwatig na kailangan mo magpatingin sa doktor. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 27, 39 at scarlet red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Matutuklasan mo ang iyong life purpose. Ito ang aakit ng opportunity sa iyong buhay. May naglalandas na pagla-lakbay, makakatulong ito para maiba ang simoy ng hangin. Lucky numbers at color for the day ang 51, 25, 19, 27 at orange.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) May pagkakataong mabayaran ang mga utang, dahil nakatakda ng anihin ang bunga ng iyong sipag at tiyaga. Para hindi mauwi sa wala ang lahat, tigilan na ang pagsusugal. Ibaling sa gawaing kapaki-pakinabang ang atensiyon. Lucky numbers at color for the day ang 57, 22, 45, 17 at purple.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Tuloy-tuloy ang tagumpay sa iyong project. Iwasan ang pagkain ng taba ng karne dahil agad-agad na magdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam sa’yo. Isang kapamilya ang matutuloy na mag-abroad. Lucky numbers at color for the day ang 9, 47, 29, 31 at blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Mas mapapamahal  ang gastos sa iyong pagkukuripot. Dahil kakapusin ka at mapipilitang bumili ng wala sa plano. Kung hindi naman kailangan, huwag magdala ng malaking halaga kapag lalabas ng bahay.  Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 17, 21 at cardinal red.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Blessing in disguise ang iyong delay sa paglalakbay. Dahil sa weather disturbance, maiiwasan ang sakuna. Isang tawag mula sa malayong kamag-anak ang matatanggap, ikakatuwa nila na maka-kwentuhan ka. Lucky numbers at color for the day ang 41, 29, 15, 25 at peach.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ang katotohanan ang magpapalaya sa’yo. Kaya kung paano mo mas mae-enjoy ang bawat sandali, gawin sa piling ng mga taong minamahal at nagmamahal sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 36, 42 at yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Marami ang mai-inspired sa’yo dahil sa unti-unting pagbuti ng kalagayan sa buhay. Huwag bigyan ng pagkaka-taon na agawin ang lahat ng alak at iba pang masamang bisyo. Pagtuunan ang iyong kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 12, 19, 23, 33 at shocking pink.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Habaan ang pasensya sa pagharap sa mga makukulit sa iyong paligid. Hindi masama na paminsan-minsan ay pagbigyan ang sarili na mabili ang mga bagay na magustuhan mo. You deserve it! Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 49, 51 at lemon yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Masasalubong mo ang iyong childhood sweetheart sa mall. Magiging masaya ang buong araw lalo na kapag nabuksan mo na ang sorpresa mula sa iyong mahal. Lucky numbers at color for the day ang 19, 39, 44, 55 at coffee brown.

 

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with