Enero 17, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2020 - 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Iwasan ang get rich quick investment tulad ng pyramiding. Dahil mawawala ang iyong pera na parang bola. Ang hinahangad na karagdagang kita ay may katapat na mga oportunidad, kailangan lang ay maging mapagmatiyag at sikapin na mapalago ang kakayahan para maging handa. Lucky numbers at color for the day ang 1, 19, 33, 39 at dollar green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Bigyang halaga ang salita at tumbasan ito ng gawa. Ito ang paraan para maibalik ang tiwala sa’yo ng madla. Kung nagha-hanap ng trabaho, huwag agad susuko. Dahil kadalasan ang mga pagsubok ay tulay para matunton ang tugmang pagkakataon para sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 22, 29, 55 at red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ipa-rehab ang kaanak na lulon sa adiksyon. Ipagpatuloy ang si-nimulang spiritual practice upang maakit ang suwerte. Maaaring may maka-engkwentro na arogante, pairalin ang humility at huwag sayangin ang enerhiya sa gaya niya. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 31, 51 hot pink.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Asikasuhin ang mga permits at buwis tungkol sa pagnenegosyo. Iwasan ang rush hour na deadline at huwag kagatin ang opportunity na hindi naman kaya nguyain at lunukin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 17, 29, 48 at coral red.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Makikilala mo ngayon ang totoong kaibigan.  Ngayon mapapatunayan sa sarili na hindi lahat ng nagsasalita sa paligid ay tunay na nagmamalasakit. Ang iba ay nag-aabang lang ng may maitsitsismis, kaya mag-ingat.  Lucky numbers at color for the day ang 7, 9, 31, 44 at violet.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Financial management ang issue na dapat magkaroon ng proseso upang magkaliwanagan. Maging organisado sa iyong mga transaksiyon para hindi magkagulo ang schedule. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 39, 41 at neon blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ayusin ang performance sa trabaho. Ito ang paraan para maiwasan ang mapanirang inggit. Pero kung hindi magi-ging mapagpatol, maipapa-realize sa kanya na dapat na ka ng tantanan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 25, 41, 44 at sun yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Matatanggap sa trabaho na inaaplayan. Pasiglahin ang relationship sa pagbabago ng venue ng inyong date. Isang bagong kakilala ang mag-iindorso ng mapagkakakitaan, pag-aralan muna ito ng mabuti bago pasukin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 22, 31, 44 magenta.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Isang sorpresang panauhin ang babago ng direksiyon ng iyong buhay. Maaaring mabuo ang dati’y pangarap mo lang na pagmamahalan. Posible ang kasalan bago matapos ang taon. Lucky numbers at color for the day ang 11, 21, 37, 41 at pearl white.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Sundin ang kutob. Ito ang gabay para makapagdesisyon ng tama at maangkin ang nakatakdang tagumpay. Very timing na may mga helpful people na maaasahan sa mga aspetong never heard sa business na pinasok mo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 22, 35 at green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Maaakit mo ang suwerte kapag napagtagumpayang mahalin ang taong matagal ng naghahangad ng iyong ikapapahamak. Panatilihin ang pagpapakumbaba. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 33, 13 at mustard yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Bigyan ng panahon ang iyong mga mahal sa buhay. Magkaroon ng quality time sa kanila. Magsisilbing daluyan ng ibayong pagpapala ang malasakit na mailalaan sa iyong mga nasasakupan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 29, 27, 45 at maroon.

 

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with