Disyembre 14, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2019 - 12:00am

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Magiging mapusok ka ngayon at kung walang self-control baka ikaw ay mapahamak. Sa lahat ng bagay, taglayin ang magdalawang-isip, kung anong kabutihan at kasamaan ang idudulot bago kumilos o gawin ang isang bagay. Huwag basta maniwala sa tsismis at sulsol. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 17, 29 at white.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Tiyaga at sipag ang maliwanag na sekreto ng tagumpay. Kung ito ay palaging tataglayin, walang dahilan para maghikahos. Nasa sariling gawa at wala sa iba ang situwasyon sa kasalukuyan. Huwag isisi sa iba ang sariling kagagawan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 19, 24 at yellow.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung aabot sa kasukdulan ang iyong pagtitimpi, makakabuting umiwas dahil masama ang mangyayari. Madali ang makipag-away ngunit masarap mabuhay ng walang kaaway. Madali kang mapipikon at mag-init ang ulo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 14, 31 at violet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mapaghinala ang minamahal. Mag-ingat sa kumonikasyon o pakikipag-usap sa iba dahil ang minamahal ay magiging selosa. Kung may usok, may apoy. Kaya kung may sekreto, malamang matuklasan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 39, 41 at ocean blue.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Maaasahan na malaking pakinabang ang ibubunga ng ginagawa. Magtatagumpay sa nilalakad. Kung nag-aaplay ng trabaho at lalakarin ngayon, malaki ang posibilidad na matanggap. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 34, 41 at green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Maganda ang iyong hangarin, ang kulang lamang ay implementasyon. Kung sisimulang gawin ang binabalak, tiyak may magandang resulta. May mga balakid kang makakasagupa ngunit kung buo ang loob, magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 16, 20, 31, 42 at brown.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Hindi masama kung kasing-lawak ng langit ang iyong pangarap na kaunlaran sa buhay. Ang hindi maganda ay kung hanggang pangarap ka lamang at wala sa gawa, sikap at tiyaga. Magbanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ang 4, 12, 18, 30 at blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Masigla at nakakatiyak sa sarili kaya handang harapin ang anumang pakikibaka. Diplomasya ang kailangan dahil may makakasagupa kang kailangan ng magandang paliwanag. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 22, 38 at cream.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kung inaakala mong tama ka, gawin dahil malakas ang iyong ESP ngayon. Maliban kung lalabag sa batas ng Diyos at tao. Iwasan ang anumang uri ng sugal dahil tiyak mata-talo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 29, 31, 39 at orange.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Nasa tamang daan ng kaunlaran sa buhay ang iyong nilalandas, kaya ituloy ang ginagawa. Makakasagupa ka ng mga pagtutol sa iyong mga binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 34, 39 at aquamarine.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Malapit ka ngayon sa mga taong mapagbiro at palakantiyaw. Magiging mainitin ang iyong ulo dahil sa personal na suliranin. Huwag patulan ang biro o kantiyaw. Lucky numbers at color for the day ang 7, 26, 30, 36 at fuchsia.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Walang masama kung aalamin muna ang mga bagay-bagay bago magdesisyon. Selos ang magiging puno't dulo ng sigalot at hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 35, 37 at red.

HOROSCOPE KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with