Disyembre 13, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2019 - 12:00am

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Isang bagong relasyon sa pag-ibig ang magbibigay sigla. Dahil sa kasiglahan, ano mang hirap o bigat ng gawain ay magaang na mairaraos. Nakabuntot ang pagkakamali kaya konsentrasyon ang kailangan sa paggawa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 28, 32 at avocado green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Umaayon ang panahon sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan. Mangingibabaw ang kapusukan ng damdamin na dapat mapaglabanan. Kailangan ayusin ang mga gastusin. Makiisa sa mga kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 34, 38 at beige.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang minamahal ay hindi magkakait ng tulong kung kaila-ngan. May pagkakagastusan na hindi maiiwasan. Subalit ang magandang balita, lumalandas ang swerte. May darating na hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 33, 40 at orange.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Isang kamag-anak o kasamahan ang malamang magkaroon ng hinanakit. Ang pagpapahi-nga ay magiging makabuluhan. Umaayon ang panahon sa proyektong pangkomunidad. Mas mabiyaya ang nagbibigay kaysa tumanggap. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 18, 41 at tangerine.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Magiging masaya ang pakikisalamuhang sosyal kung bibigyan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at pakikisama ay dapat pairalin. Bigyang-halaga at panahon ang pag-aalaga ng kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 18, 36 at yellow.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magiging lubos ang kaligayahan kung kasama ang minamahal. Kailangan ang mag-ingat sa paggastos upang may maitabi para sa pangangailangan. Ang hindi pagkakaunawaan sa kaibigan o kasambahay ay magbubunga ng tensiyon. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 29, 37 at blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ang mga kaibigan ay maaasahan ng tulong kung kaila-ngan. May pagkasensitibo ang minamahal kaya sikapin na magparaya at lawakan ang pang-unawa. Makakakilala ng bagong kaibigan na malamang makatulong. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 33, 41 at strawberry red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Madaling pakitunguhan ang mga kaibigan. Ang sama-hang pangkaibigan ay posibleng mauwi sa pag-iibigan. Handa ka ngayon magbigay ng tulong sa kaibigang may kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 16, 31 at pink.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapagsamantalahan ang iyong kabaitan. Mag-ingat sa paglalakad ng hindi madapa o matalisod. Lucky numbers at color for the day ang 3, 24, 38, 41 at 38 lavender.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ang nakaraang suliranin ay maaaring makalimutan o magkaliwanagan sa kinauukulan. Magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Umaayon ang maswerteng pagkakataon kaya abangan at huwag paalpasin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 20, 34, 41 at royal blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Hindi magiging abala su-balit maraming mahahala-gang gawain ang matatapos. Panindigan ang prinsipyo upang hindi maloko ng iba. Darating ang hinihintay. May magseselos. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 21, 37 at jade green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Bagong pag-ibig ang uusbong sa damdamin. Simulan ang mag-impok para sa kinabukasan. Ang mahalagang bagay na gustong gawin ay may dahilan na ipagpaliban. Lucky numbers at color for the day ang 4, 12, 23, 38 at brown.

HOROSCOPE KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with