Disyembre 10, 2019
(Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2019 - 12:00am

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Sa bawat araw na nagdaraan ay nakakaramdam ng pagkainip at pagkainis sa sarili dahil parang walang nangyayari. Ito ang tamang panahon para isakatuparan ang matagal ng binabalak. Kung nag-aaplay, lakarin at may pag-asa. Lucky numbers at color for the day ang 12, 20, 33, 41 at pink.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kaya masaya ang minamahal ay dahil sa naging mapagparaya at hindi ka naging makasarili. Ang maging maalalahanin ay may ganting pagmamahal. Kung naging makasarili ka noon, ngayon dapat baguhin bago maging huli ang lahat. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 21, 38 at light blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Iwasan ang pagka-agresibo, dahil sa halip na mapalapit ang kalooban sa minamahal ay mawawalan siya ng tiwala sa’yo. Kung naging mapusok, daranasin ang kapakanan. Matutong tumanggap ng kabiguan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 29, 36 at blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Palagpasin sa kabilang tainga ang maririnig. Huwag pa-tulan ang naghahanap ng gulo. Mapapatunayan na ang maunawain ay hahangaan ng kapwa. Makakagawa ng isang bagay na hahangaan ng marami. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 28, 33 at white.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Pagbigyan ang kahilingan ng nakakarami. Ito ang tanging paraan para maiwasan na magkaroon ng samaan ng loob. Sa pag-ibig, makakarating sa kaalaman ng kapares ang pakikipagrelasyon sa iba, kung ito ay ginawa. Lucky numbers at color for the day ang 18, 24, 34, 40 at jade green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Mag-ingat sa pagsasalita ng hindi mapahiya sa kapwa. Huwag damdamin ang pangyayari dahil makakabawi ka sa ibang paraan. Mag-ingat ngayon dahil magiging malapit sa iyo ang manakawan o ma-hold up. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 39 at fuchsia.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Kung may problema, makikilala ang tunay na mga kaibigan. Sa oras ng kagipitan at pa-ngangailngan masusubok ang tunay na kaibigan. Ngayon mo makikilala kung sino ang tunay na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 19, 25, 37 at sky blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinaramdam ang mga bagay na sinasabi sa’yo. Umaksiyon, huwag pahintulutang manatili sa dibdib ang kinikimkim na sama ng loob. Ipaglaban ang kapakanan. Maging tapat sa tunay na damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 20, 27, 35, 42 at orange.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Magiging masaya ang susunod na mga araw, ngunit nakakalungkot na malamang ngayon ay matamlay ka. Maging maunawain at makikita ang pagpapahalaga ng minamahal sa mga bagay na mahalaga sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 26, 32, 41 at yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Isiping mabuti ang mga dapat na gawing hakbang bago kumilos. Lalong makakasama sa binabalak ang mga desisyong walang katuturan. Pag-isipan ang kalalabasan ng gawain.Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 26, 37 at lilac.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Huwag mainis kung magi-ging makulit ang mga taong nakapaligid, dahil sadyang malapit ka ngayon sa mga ito. Nais lang nilang may patunguhang maganda ang iyong pinaghirapan. Huwag maging waldas sa pera.Lucky numbers at color for the day ang 10, 21, 29, 37 at brown.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Suliranin sa pag-ibig ang magdadala ng katamlayan. Kung hindi mapaglalaba-nan, hahantong sa isipan na sisirain ang sarili. Huwag mag-alala dahil sadyang hindi siya bagay sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 21, 37 at gray.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with