Disyembre 8, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2019 - 12:00am

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung may suliranin sa pag-ibig, hindi ngayon ang tamang panahon para harapin ang pagresulba rito. Dahil ang pinag-uukulan ay hindi handa. Ipagpaliban ang anumang tungkol sa pag-ibig dahil walang mangyayari at malamang lalong lalala. Harapin ang trabaho ng may mapala. Lucky numbers at color for the day ang 8, 24, 32, 42 at red.  

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kung negosyante o professional, tutukan ang magandang relasyon sa mga nawawalang kliyente. Tutukan ang mga follow-up sa lahat ng mga nakaligtaan. Lucky numbers at color for the day ang 13, 14, 29, 31 at brown.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Iwasan ang magkunwari dahil walang ibang niloloko kundi ang sarili. Maging totoo at huwag maging plastik. Ang kabutihan ay siyang palaging nagwawagi, kaya kung anuman ang nagawang kamalian ngayon, dapat pagsisihan at magbago. Lucky numbers at color for the day ang 21, 23, 26, 28 at ivory cream.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Maganda ang panahon at walang magiging problema sa trabaho at sa tahanan. Sa lansangan at ibang lugar walang katiyakan ang mga pangyayari, kaya hangga’t maaari iwasan ang mga lugar na ito. Lucky numbers at color for the day ang 14, 18, 29, 42 at beige.   

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Huwag hayaan na ang kasalukuyang problema ay makapagpatamlay sa mga gawain. Para patuloy ang pagpasok ng suwerte, tutukan kung papaanong baguhin ang sitwasyon na nagbibigay gulo sa isip. Lucky numbers at color for the day ang 2, 29, 36, 37 at green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Harapin ang kikitain at huwag maging magastos. Huwag iwan ang ginagawa o hayaang mabitin ang gagawin dahil dito ka kikita. Maging positibo sa determinasyon at tiyak magtatagumpay. Ibang tao ang makakatulong sa iyong mga plano. Lucky numbers at color for the day ang 11, 17, 34, 35 at gray.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Kung ang mga plano noon ay ginawa, ngayon ito magsisimulang sumibol. Ngayon makikita ang resulta ng pinaghirapan. Kung ano ang ipinunla at itinanim, ngayon ito aanihin. Kung gumawa ng kasalanan, ngayon ito pagbabayaran. Lucky numbers at color for the day ang 12, 18, 22, 39 at blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Maging maunawain sa minamahal sa maliit na hindi pagkakaunawaan nang hindi humantong sa matagal na tampuhan ang pagseselos niya. Iwasang makinig sa tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 6, 29, 31, 34 at yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Mahalaga ang disiplina at magandang istraktura sa kapaligiran na pinagtatrabahuhan. Kung ikaw ang may-ari, simulan ito ngayon at makikita ang kaunlaran sa darating na panahon. Lucky numbers at color for the day ang 19, 25, 28, 42 at orange.        

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ang kakapusan sa pera at kulang ng suporta ng mga kaibigan o kamag- anak ay makakapagpatamlay. Subalit mapaglalabanan ng dahil sa ambisyon at pangarap. Sipag at tiyaga lamang ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 21, 33 at ruby red.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kung hindi tiyak ang gagawing desisyon, hindi masama kung kumunsulta sa higit na nakakaalam. Ang higit sa isang utak sa pagresulba ng problema ay magbibigay ng positibong resulta. Lucky numbers at color for the day ang 17, 25, 33, 44 at maroon.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang negosyo ay magiging maunlad. Tiyakin na ang magandang relasyon sa trabaho at sa tahanan ay mananatiling maganda upang tuluy-tuloy ang suwerte. Kung nagkaroon ng hidwaan sa nakaraan, ngayon pag-uusapan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 26, 28, 38 at cream.

HOROSCOPE KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with