Disyembre 7, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2019 - 12:00am

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kailangan ang matibay na self-control dahil baka may susubok sa iyong pagtitimpi. Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo dahil ito ang sisira ng iyong magandang araw. Iwasan ang mapagbirong mga kaibigan. Kung sakali, huwag mapikon. Lucky numbers at color for the day ang  9, 14, 20, 21 at brown.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang praktikal na gawain ay siyang magbibigay ng kasiyahan at moral. Ang mababang sahod na halos hindi sapat sa pangangailangan ng sarili at pamilya ay magbibigay ng katamaran sa gawain. Lucky numbers at color for the day ang 2, 24, 34, 42 at red.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang taglay na sipag at pagtitiyaga ang magiging mabisang puhunan para makamtan ang kaunlaran. Ang responsibilidad tungkol sa pamilya ay magiging pangunahin kaysa sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 29, 42 at beige.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung may lalakarin, sa umaga gawin upang magtagumpay. Ang lahat ng aktibidad sa umaga ay walang kapalpakan, subalit sa bandang hapon ay magiging matamlay at mabagal. Lucky numbers at color for the day ang 12, 23, 26, 28 at ivory cream.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Maganda ang pagkakataon para hanapin ang dekalidad na investment kaysa magmukmok at walang gawin. Ang talino ay magiging puhunan para sa ikauunlad, kaya panahon na upang magamit sa makabuluhang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 21, 24 at blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magiging matibay ang iyong pundasyon sa larangan ng trabaho kung may magagandang mungkahi para sa ikauunlad ng negosyo. Ang iyong pananahimik ay mangangahulugan na walang pakialam at makasarili. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 31, 40 at gray.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Maaaring makamit ang matagal ng pinapangarap. Magiging sensitibo ka sa mga kakaunting bagay. Maaaring masaktan sa mga salitang maririnig. Upang manatiling balanse ang enerhiya ng kaligayahan, makakabuti ang maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 21, 23 at ruby red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang paghahanap ng bakanteng oras sa gawain ay hindi magbibigay ng tamlay sa sarili. Magiging maagap sa lahat ng bagay kaya nasa tamang landas ang tinatahak sa kaunlaran. Ang pag-ibig ang gabay sa pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ang 12, 19, 26, 27 at lemon green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Sikapin na ang naalintanang mga gawain ay matatapos bago sumapit ang hapon. Ang anumang maiwanang gawain ngayon ay magi-ging walang kabuluhan sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ang 10, 15, 18, 38 at orange.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kumpetisyon sa trabaho lalo na sa promosyon ay magiging mahigpit. Kung may promosyon sa pinapasukan, asahan na isa ka sa kanila. May matatanggap na hindi inaasahang regalo o balita. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 32, 39 at yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Upang magtagumpay, magsaliksik ng mga detalye at iayon sa sarili. Kung may hindi nalalaman, huwag mahiyang magtanong. Umaayon ang panahon sa pagsasaliksik ng mga bagay na wala sa kaalaman. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 18, 38 at cream.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Walang katiyakan ang takbo ng panahon. Maaa-ring urong-sulong ang mga pangyayari kaya ang dapat gawin ay makisayaw sa tugtog ng panahon. Lucky numbers at color the day ang 7, 15, 23, 34 at maroon.

 

 

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with