Disyembre 4, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2019 - 12:00am

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung may problema makikilala ang tunay na mga kaibigan. Sa oras ng kagipitan at pangangailangan masusubok ang tunay na kaibigan. Ngayon mo makikilala kung sino ang nagpapanggap lang na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 19, 25, 37 at sky blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Mali ang akala nila na hindi mo dinaramdam ang mga bagay na sinasabi sa iyo. Umaksiyon, huwag pahintulutang manatili sa dibdib ang kinikimkim na sama ng loob. Ipaglaban ang kapakanan. Maging tapat sa tunay na damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 20, 17, 35, 42 at orange.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Pagbigyan ang kahilingan ng nakakarami. Ito ang tanging paraan upang maiwasan na magkaroon ng samaan ng loob. Sa pag-ibig, makakarating sa kaalaman ng kapares ang pakikipagrelasyon sa iba. May paliwanag kang gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 18, 24, 34, 40 at jade green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mag-ingat sa pagsasalita ng hindi mapahiya sa kapwa. Huwag damdamin ang pangyayari dahil makakabawi ka sa ibang paraan. Mag-ingat ngayon dahil magiging malapit sa iyo ang manakawan o ma-hold up. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 39 at fuchsia.  

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Iwasan ang pagkaagresibo, dahil sa halip na mapalapit ang kalooban sa minamahal ay mawawalan ng tiwala. Kung magiging mapusok, daranasin ang kapahamakan. Matutong tumanggap ng kabiguan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 29, 36 at blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Palipasin sa kabilang tainga ang maririnig. Huwag patulan ang naghahanap ng gulo. Mapapatunayan na ang maunawain ay hahangaan ng kapwa. Makakagawa ng isang bagay na hahangaan ng marami. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 28, 33 at white.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Sa bawat araw na nagdaan nakakaramdam ng pagkainip at pagkainis sa sarili dahil parang walang nangyayari. Ito ang tamang panahon upang isakatuparan ang matagal ng binabalak. Kung nag-aaplay, lakarin at may pag-asa. Lucky numbers at color for the day ang 12, 20, 33, 41 at pink.  

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Isipin na kaya masaya ang minamahal ay dahil sa naging mapagparaya at hindi ka na­ging makasarili. Kung naging makasarili ka noon, ngayon dapat baguhin bago maging huli ang lahat. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 21, 38 at lght blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Huwag mainis kung magi­ging makulit ang mga taong nakapaligid dahil sadyang malapit ka ngayon sa mga ito. Nais lang nilang may patutunguhang maganda ang iyong pinaghirapan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 21, 29, 37 at brown.   

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Suliranin sa pag-ibig ang magdadala ng katamlayan. Kundi mapaglalabanan, hahantong sa isipan na sisirain ang sarili. Huwag mag-alala dahil sadyang hindi siya bagay sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 21, 37 at gray.  

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Magiging masaya ang susunod na mga araw pero sad ka ngayon at matamlay ka. Maging maunawain at makikita ang pagpapaha­laga ng minamahal sa mga bagay na mahalaga sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 26, 32, 41 at yellow.  

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Isiping mabuti ang mga dapat na gawing hakbang bago kumilos. Lalong akakasama sa binaba­lak ang mga desisyon na walang ktuuran. Pag-isipan an kalalabasan ng gawain. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 26, 37 at lilac. 

HOROSCOPE KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with