Disyembre 3, 2019
(Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2019 - 12:00am

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Walang dahilan para magkunwaring masaya kung taliwas naman sa tunay na nararamdaman. Maging natural dahil ang pinakamahirap sa lahat ay niloloko ang sarili. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Iwasan ang magkunwari at ang pagkaplastik. Lucky numbers at color for the day ang 10, 29, 31, 42 at beige.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Hindi inaasahan na makasalubong ang mga dating kaibigan. Tiyak na maraming oras ang mailalaan dahil sa sobrang dami ng kwentuhan. Walang dapat panghinayangan sa mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 37, 45 at fuchsia.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Maayos ang samahan sa pagitan ng mga kaibigan at kasamahan sa trabaho. Marami ang umaasa sa iyong magagawa, sa nakaatang na responsibilidad. Huwag matakot na mabigo dahil ito ang daan para matamo ang mahalagang kaalaman. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 32, 42 at sky blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Hindi maiiwasan ang kumpe-tensiya sa kahit anong larangan, huwag bigyan ng sobrang pansin dahil sarili ang magkukunsumisyon. Gawin ang nararapat ng hindi nakikipagpaligsahan. Sariling sikap ang dapat pairalin upang hindi mapuna. Lucky numbers at color for the day ang 12, 25, 35, 44 at lavender.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Piliin ang sasamahang kaibigan at ang pupuntahang lugar. May pagkakataon na makakilala ng taong makakatulong sa’yong pag-unlad. Mag-ingat sa hold-uppers o snatchers. Iwasan ang maglakad ng mag-isa. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 31, 43 at ivory.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung mainit ang ulo, magpalamig muna bago humarap sa tao. Tiyakin na ang ikinagagalit ay hindi madala kung saan, maliban sa kinauukulan. Huwag idamay ang iba na walang kinalaman sa mga pangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 26, 30, at lilac.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Labis ang pangungulila sa kasintahan o minamahal pero walang magagawa kundi ang magtiis dahil sa panga-ngailangan. Isipin na pagsubok sa relasyon ang magkalayo para lalong tumibay ang relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 18, 25, 30 at mint green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Anuman ang gawin, ituloy basta nakakatiyak na hindi makakasagasa ng iba. Ikaw ang higit na nakakaalam sa gusto, kaya huwag asahan na may magdedesisyong iba. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 34, 43 at brown.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kung may planong gawin, isipin muna ng mabuti kung ano ang hakbang bago ito simulan. Tiyakin na maging organisado ang bawat kilos dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Lucky number at color for the day ang 10, 23, 31, 39 at white.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Gawan ng paraan para maibalik ang tiwala sa sa-rili. Hindi makakabuti kung negatibo ang laging nasa isip. Maging positibo at tiyak na maganda ang resulta sa ginagawa o gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 24, 31, 40 at canary yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Asahang maraming trabaho ang gagawin ngayong. Matatapos ito kung iiwasan ang makipagkwentuhan at ang tsismisan. Tiyak na mapapagod sa buong maghapon dahil sa mga gawain. Lucky numbers at color for the day ang 12, 26, 34, 41 at blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Panahon ng pagbabago ng masamang ugali. Ang ilang pagbabago ay sadyang mahirap gawin, subalit hindi dapat sumuko kung para sa kabutihan ng sarili. Walang mahirap sa taong matiyaga. Lucky numbers at color for the day ang 8, 17, 26, 35 at strawberry red.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with