^

Kutob

Disyembre 2, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Bagay ngayon ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may mag-aanyaya. May pagkakataong makatagpo ang soulmate o twin flame. Kung isang Libra o Virgo ang makikilala hahantong sa pang-matagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 37, 38 at maroon.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang makipag-isa sa tahanan maging sa mga kasamahan at kaibigan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mahahanapan ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 33, 42 at white.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang. Harapin ng buong tatag at pananagutan ang anumang desisyong ginawa, maging tama o mali. Magdahan-dahan sa anumang ginagawa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 17, 37, at aquamarine.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Iwasan na mag-init ang ulo. Maging mahinahon dahil may susubok sa iyong pagti-timpi. Iwasan ang palabiro at makantiyaw na tao para malayo sa gulo. Libangin ang sarili sa paggawa ng mag-isa o sa pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 33, 40 at scarlet.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil ta-tambakan ka ng trabaho o makakarinig ng hindi maganda. Maipapakita ang kaalaman at husay na hahangaan ng kasamahan o ng boss kung maganda ang mood. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 13, 31 at tangerine.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kailangan ang disiplina sa sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig. Pag-isipang mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalus-dalos. Posibleng makatanggap ng balita na ikaliligaya. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Magiging masuwerte sa negosyo kung sisimulan ngayon. Malaki ang kikitain kung freelancer. Kung ano ang suwerte sa negosyo, kabaligtaran naman ang mangyayari sa pag-ibig. Iwasan ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kakapusan ang suliranin subalit kung pagsisikapan, matutugunan ng kaibigan o kamag-anak. Gaano man kasakit sa kalooban, paglabanan ang gustong bilhin, tiisin dahil kapos ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 33, 42 at yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Iwasan ang tsismis. Iwasan ang hindi inaasahang pa-nauhin dahil may dalang balita na makakapagpainit ng ulo o may kailangan na hindi kayang paunlakan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 18, 29, 39 at jade green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Magpakahinahon, timba-ngin at pag-isipang mabuti bago magsalita o humatol para hindi magkamali o makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 16, 33 at pink.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) May gantimpalang naghihintay sa pagbibigay ng abuloy. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin at gustong gawin kung mapaglalaanan ng panahon ay maisasakatuparan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 28, 38 at dollar green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang gawain na hindi napapansin noon ay matatapos ngayon. Malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran subalit ang masusing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan para hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 12, 27, at beige.

vuukle comment

HORORSCOPE

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with