^

Kutob

Nobyembre 21, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Maging mahinahon sa pagkilos, pananalita at sa paggawa upang maiwasan ang makasakit ng kapwa o magkamali. Dahil sa dalang kalituhan ng isip, nararapat suriin at pag-aralan ng mabuti ang mga papeles na dapat lagdaan. May mangungutang ng pera na dapat hindi pagbigyan dahil matagal bago mabayaran o hindi mababayaran. Lucky numbers at color for the day ang 11, 26, 28, 39 at cream white.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung may kamag-anak na may sakit, huwag mag-atubiling isugod kaagad ng pagamutan upang maligtas ang buhay. Kung walang nagkasakit sa pamilya, tiyak sagana at kaligayahan ang daranasin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 25, 35 at aqua blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Sasalubungin ng matamis na ngiti at pagbati ang kasamahan. Subalit matatakpan ng makapal at madilim na ulap ang mga ngiti sa dapit-hapon, dahil may dahilan para magalit. Iwasan ang mga kaibigang tsismosa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 19, 22 at yellow.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang suwerte ay minsan lamang kakatok sa pintuan, bagay na hindi dapat paalpasin. Maging handa kung anuman ang dara-ting. Kung inaakalang mabuti o ikauunlad, sunggaban at huwag bigyan ng pagkakataong makawala. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 14, 41 at sky blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Isang Taurus ang magbibigay ng suwerte o ligaya subalit isang Leo ang magdadala ng problema o sakit ng damdamin. Iwasan pansamantala ang mga kilalang Gemini dahil kapag may gulo, hahantong sa hindi maganda. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 13, 31 at red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Dahil napabayaan ang matagal ng suliranin ng pamilya, mauungkat at pagmumulan ng sumbatan. Posibleng bumalik ang harmoniya kung magiging mahinahon sa pagpapaliwanag ng bawat panig. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 23, 32 at neon green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung ang kasama ay isang Pisces, magiging matamlay at walang sigla. Kung isang Sagittarius ang kasama, hindi magkakaunawaan at malamang magkakatampuhan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 22 at navy blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Kung may usapan, huwag mainip sa paghihintay dahil ang kausap ay maaalintana ang pagdating. Anumang transaksyong gagawin, dapat pag-aralang mabuti bago pumalaot. Pero kung hindi maiwasan, mag-ingat ng hindi maloko. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 24, 34 at dollar green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magaan ang lahat ng bagay. Ang nakalimutang pangako ay tiyak maaalala at matutupad ngayon. Magaan ang trabaho, pakikipagkapwa tao at pasok ng pera kung may negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 34, 40 at orange.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Huwag pansinin ang maririnig na salitang makakapikon o nakakaasar ng mga kasamahan o mga kaibigan dahil inggit ang nag-uudyok sa kanila. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 39, 41 at dirty white.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kung nakagawa ng kabutihan, kabutihan ang balik. Subalit kung nakagawa ng kasamaan, kasamaan ang daranasin. Ang pagsisimba o ang pagsamba ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 13, 31, 39, 42 at pink.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Maganda at kapangitan ang lilitaw tungkol sa pribadong relasyon, ngunit huwag mabahala at sa bandang huli ay magwawagi kung magpapaliwanag ng mahinahon. Iwasan ang magalit. Lucky numbers at color for the day ang 15, 16, 36, 37 at light gray.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with