^

Kutob

Nobyembre 19, 2019

Pilipino Star Ngayon

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Oras na upang balikan ang mga iniwanang trabaho. Sa ayaw o gusto, kailangan nang magsimulang kumilos dahil sa kagipitan. Bagama’t tinatamad, matutuwa kapag nakitang unti-unting natatapos ang gawain. Sapat na ang inilaang araw sa pagpapahinga, pagsasaya at pamamas­yal. Balik trabaho na. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 34, 39 at lavender.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Mahihirapan kang makapagdesisyon kung sari-sari ang laman ng isip. Napakalayo ng iniisip mo ngayon. Dapat magpokus kung pagtuonan ng pansin at hindi kung anu-ano ang iniisip na wala nang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 21, 28 at maroon.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Minsan kailangan talaga ang tulong ng iba. Huwag pilitin na magawa ang lahat ng bagay na sarili lamang ang inaasahan, dahil mahihirapan ka. Huwag sayangin ang lakas sa mga bagay na hindi dapat pag-aksayahan ng oras. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 24, 32 at avocado green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Malalaman mo ang kahalagahan sa pera o ng samahan. Hinahangaan ka ng mga tao sa iyong paligid. Marami ang naghahangad o gustong sumama sa’yo para sila naman ay maging produktibo. Lucky numbers at color for the day ang 21, 34, 40, 44 at brown.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung nahihirapang magdesisyon, makakabuting humi­ngi ng payo sa malapit na kaibigan o sa isang psychic, kaysa pilitin ang sarili sa hindi naman kaya. Mahihirapan ka kung problema ng iba ang dinadala. Bigyang halaga ang payo ng higit na nakakaalam. Lucky numbers at color for the day ang 7, 26, 31, 39 at pink.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Huwag nang lumayo pa ng tingin. Ang gamit na matagal nang hinahanap ay maaaring nasa paligid lamang o mismong nasa harapan na. Baka hindi lang napansin dahil hindi sa inaakalang lugar nilapag. Lucky numbers at color for the day ang 12, 28, 37, 45 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ihanda ang sarili sa problemang maaaring darating sa pinansiyal o sa relasyon. Huwag simulan ang panibagong gawain kung hindi tapos ang naunang ginagawa. Tiyakin na nasa maayos at mabibigyang pansin ang mahahalagang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 5,9, 18, 23 at red ruby.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Magiging negatibo ka ngayon sa pag-iisip na kahit maganda ang nasa paligid, mananati­ling nababahala at iniisip na may hindi magandang mangyayari. Maging positibo upang maiwasan itong mangyari. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 24, 32 at purple.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Hindi masama ang maging masaya, subalit huwag kalimutan na may mga responsibilidad na nakasalalay sa balikat, na hindi dapat pabayaan. Mas nanaisin mong mamasyal at mag-saya kasama ang ilang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 26, 30, 37 at sun yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Hindi sa lahat ng oras ay magagawang iwasan at hayaan lamang ang suliranin. Hindi matatapos ang kasalukuyang problema kung hindi ito haharapin at hahanapan ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 10, 20, 30, 40 at blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Makakabuting magmasid, makinig at pag-aralan ang mga pangyayari at saka magbigay ng komento, suhestiyon o opinyon. Iwasan na may mangyaring gulo, huwag kaagad magbigay ng reaksiyon sa mga pangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 12, 15 at sky blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Ilang gawain ang matatapos ng hindi gaanong mapapagod. Kung gugustuhin, makakamtan ang mga pangarap kung magiging sapat lamang ang determinasyon, sipag at tiyaga na kailangan para rito. Lucky numbers at co­lor for the day ang 15, 28, 35, 43 at neon green.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with