Nobyembre 18, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2019 - 12:00am

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag magmadali kung sa tingin ay may magandang oportunidad ang darating, pag-aralan bago sunggaban. Mahalaga ang magplano at isipin ang gagawin ng maiwasan ang pagkaaksaya ng panahon at oportunidad. Dapat pagsikapan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 22, 34, 45 at purple.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21)  Magiging kaakit-akit sa paningin o panlasa ng iba. Sa halip na hanapin ang bagay na wala sa’yo, bigyang-halaga ang mayroon ka. Kung hindi mo nagustuhan a hanapan ng paraan para makamit ang gusto. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 34, 41 at gray.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Isaisip na ang sariling tagumpay ay nakasalalay sa iyong positibong katangian at hindi sa iyong kahinaan. Huwag pagurin ang sarili sa paggawa ng bagay na hindi naman talaga nauunawaan ng lubusan. Magsasayang ka lang ng pagod at oras. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 33 at orange.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Alalahanin na hindi lahat ng solusyon sa problema o hangarin ay hindi makukuha sa isang iglap lang. Kadalasan, mahihirapan muna bago makamit ang gusto at minimithi. Huwag kaagad susuko. Lakasan ang loob sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 37, 44 at jade green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Lahat ng gustong gawin ay ipagpatuloy dahil sa pagsisikap, magkakaroon ng katuparan at tagumpay. Dahil sa isang malapit na kaibigan, makikilala ang makapagpapatibok ng puso at malamang maging daan na makapag-asawa ka na. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 24, 38 at brown.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Huwag hintaying mawala ng tuluyan ang isang bagay bago mapagtanto ang kahalagahan nito. Iwasan na magpokus sa isang bagay dahil mababalewala ang iba na lalong mahalaga o pakikinaba-ngan. Huwag magmadali dahil lalo lamang magkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 15, 27, 35, 40 at green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Maraming daan ang landas ng tagumpay, subalit ang nag-iisang landas na sadyang nakalaan sa’yo ay siya pang kinakatakutan mong baybayin. Baguhin ang mga plano. Magtiwala sa anumang mangyayari, magtatagumpay ka. Luckty numbers at color for the day ang 2, 13, 25, 33 at maroon.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Lahat ng mga gawain ay nakatuon sa pagkamit ng mga pangarap. Bigyang pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong sa'yo. Maaaring sa sobrang konsentrasyon, may mga mahahalagang bagay kang makakaligtaan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 28, 40 at cream.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Huwag pansinin ang anumang maririnig na masakit na mga salita sa tahanan, kaibigan o kasamahan. Makakakilala ng taong magiging daan ng kaunlaran sa buhay. Siya ang magsisilbing guro para matutuhan ang maraming bagay sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 27, 32 at violet.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Sa kabila ng kalituhan, mapagtatanto mo na nasa sariling mga kamay ang pagkontrol sa mga bagay. Isaisip na may kakayahan kang pamunuan ang lahat at maliagay sa ayos ang mga bagay. Kailangan lamang pag-ibayuhin. Lucky numbers at color for the day ang 9, 23, 36, 42 at ocean blue. 

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Panatilihing nasa maayos ang mga bagay at maging positibo sa pananaw dahil magugulat ka na lamang kung paano ito makakatulong sa pagbabago ng landas ng iyong buhay. Huwag kimkimin ang sama ng loob. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 30, 37 at red.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kung nais magtagumpay, matutong makisayaw sa tugtog ng buhay. Kung may hindi alam, pag-aralan ng matutuhan. Hindi man lubusang maunawaan, ang mahalaga ay magtanong sa higit nakakaalam at hindi dapat ikahiya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 23, 41 at yellow.

 

 

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with