Nobyembre 17, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Mapagtatanto mo kung gaano nagmukhang tanga nitong mga nakaraang araw dahil natakot ka sa isang bagay na hindi naman dapat katakutan. Maaaring ang hindi nakakatakot sa iba ay kabaligtaran naman ang dating sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 24, 39 at blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Isang magandang balita ang matatanggap na tiyak magpapasaya sa buong maghapon mo. Magiging magaan at maaliwalas ang pakiramdam. Nang dahil dito maraming mahahalagang bagay ang matatapos. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 25, 31 at burgundy.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Manatiling kalmado. Ang sobrang pagkataranta o pagmamadali ay lalo lamang magdudulot ng hindi magandang resulta. Resulbahin ang pro-blema sa paraang maayos at mahinahon. Maaayos ang lahat ng suliranin ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 26, 30 at strawberry red.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Huwag itago ang tunay na nararamdaman kung nalulungkot o nasasaktan, walang dahilan upang magkunwaring masaya. Hindi kailan man makakabuti ang mabuhay sa pagkukunwari dahil walang ibang niloloko kundi ang sarili. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 30, 42 at beige.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Pinakamabisang paraan upang mapaglabanan ang takot ay ang magkaroon ng positibong isip na kahit ano ang mangyari ay magiging maayos ang resulta ng ano mang ginagawa o gawain. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 25, 44 at white.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Iwasan ang magsungit at magtaray dahil sa halip na siya ay maaaring maging matalik na kaibigan, makakaalitan mo pa o makakaaway. Huwag mag-alala dahil anuman ang gawin, tiyak maganda ang magiging resulta. Lucky numbers at color for the day ang 13, 16, 39, 45 at green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Huwag sayangin ang oras sa pag-iisip, simulan ang gawain at makikita na magiging masaya ang bawat saglit na gugugulin dito. Ang akalang kay hirap na gawain kapag nasimulan ay hindi pala ganoon kahirap. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 23, 37 at orange.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Huwag mahiyang sabihin kung may kaunting problemang dinaranas sa boss, kaibigan o minamahal. Matutuwa pa nga ito dahil alam niyang hindi ka nagtatago ng sikreto. Sabihin kung ano ang gusto at tiyak mapagbibigyan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 34, 40 at yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Pinagpaguran mo ang lahat ng mayroon ka, ang protektahan ito at alagaan ay pagtutuunan mo ng pansin.  Para hindi mauwi sa pagkabalewala, huwag magpadala sa emosyon. Lucky numbers at color for the day ang 12, 24, 36, 42 at violet.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Konsultahin ang minamahal, kaibigan o kasambahay tungkol sa mga binabalak. Isiping mabuti kung ano ba ang gustong gawin. Huwag magpadalos-dalos ng desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 34, 41 at neon green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Panahon ng pagbabago ng ugaling hindi maganda, lalo na ang pagkamasu-ngit. Marunong ka ngayon makisama at makibagay, ‘yan ang gusto ng iyong mga kaibigan, kasamahan o kasambahay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 35, 40 at red.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Mahalagang malaman kung sa anong paraan parehong gumagana ang puso at isip. Dapat alamin kung paano ang puso at isip ay balanseng magagamit. Pairalin ang utak hindi ang emosyon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 34, 41 at brown.

 

 

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with