Nobyembre 14, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Isang kamag-anak ang mabibigyan mo ng kasiyahan ngayon ngunit mag-ingat dahil may maghihinanakit. Kung balak magnegosyo pag-aralan muna ng mabuti ang labas at loob ng ng negosyo bago simulan upang matiyak ang tagumpay. Kung may sobrang pera makakabuting magbukas ng saving accounts sa bangko. Lucky numbers at color for the day ang 20, 30, 39, 42 at green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung malayo ka sa iyong minamahal, dama mo ang lungkot at pananabik ngunit ang lahat ay mapapawi kung makakatanggap ng mensahe o tawag mula sa kanya. Ang sariling kabutihan o kapakanan ang bibigyan mo ng diin. Lucky numbers at color for the day ay 10, 33, 40, 41 at neon green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Mahihirapan kang ipaunawa o ipaliwanag ang iyong opinyon o ideya sa iba, ngunit lalawak ang iyong komunikasyon. Ma-laking tulong ang makabagong teknolohiya sa komunikasyon upang maiparating ang mga mensahe sa iba. Lucky numbersat color for the day ay 7, 27, 29, 37 at sky blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang kutob ay magkakatotoo. Dama mo ang lungkot o ligaya dahil ngayon mo lubos makikita ang tunay na kulay ng isang kaibigan o kasamahan. Anuman ang iyong gagawin na pagdedesisyonan wala kang dapat paghinayangan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 39, 40, 43 at aqua blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mag-ingat sa labis na paggastos lalo na sa pansamantalang aliw o pansamantalang kaligayahan. Pairalin ang kabutihan ng loob at tiyak pawang magagandang bagay ang magaganap sa'yo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 32, 33 at red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kung may suliranin at upang gumaan ang paninikip ng dibdib, dapat ito i-open sa minamahal o mapagkakatiwalaan na kaibigan dahil tiyak may maitutulong na magandang payo na dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ay 18, 24, 36 38 at scarlet.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Tama at makatwiran ang iyong mga reklamo subalit negatibong reaksyon ang makakarating sa kinauukulan, sa mga kasamahan o sa mga kasambahay. Hindi maiiwasan ang pagtatalo, pero piliin ang kaayusan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 39, 41 at brown.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Malinaw ang mga pinaplano mo sa kasalukuyan at madali kang mauunawaan ng mga nakapaligid sa’yo. Walang magi-ging problema at makukuha mo ang kanilang suporta. Ang gagawin mo ngayon ay pa-nay pangsariling kapakanan. Lucky numbers at color for the day ang 13, 23, 35, 39 at indigo.

 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Huwag kang magtaka kung may magbibigay ng sakit ng ulo sa'yo. Iwasan ang makipagtalo dahil wala kang mapapala. Isang dahilan ng problema ay tungkol sa pagbabadyet. Lucky numbers at color for the day ang 14, 27, 36, 42 at yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang mga magagandang bagay na nagawa sa kapwa ay may bungang hatid sa’yo ngayon. Kung kailangan mo ng tulong, hindi ka mapaghihindian ng iyong malalapitan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 23, 40 at orange.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Mali ang iyong akala na balewala ka sa pamilya. Ang kanilang kaabalahan ay siyang dahilan ng hindi pagpansin sa iyong reklamo. Magiging iba ang da-ting sa kanila ng ibig mong sabihin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 39, 40 at yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Magiging malamig ang pakikitungo mo ngayon sa isang kamag-anak o kaibigan dahil hindi mo makakalimutan ang nasabi niyang nakasakit ng iyong damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 28, 30, 40 at blue.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with