Nobyembre 11, 2019
(Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2019 - 12:00am

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Nakasalalay sa iyong attitude ang ikagaganda ng iyong araw ngayon. Kung magiging mainitin ang iyong ulo at madali kang magalit, tiyak lalayuan ka ng kahit sariling anak. Kung palangiti at masayahin, tiyak kahit katulong ay magiging bukas ang damdamin sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 29, 40 at maroon.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) May pagkakataon na makilala ang tamang tao na makakatulong ng malaki sa mga plano. Tama lang na simulan ang gawain para makaiwas sa mga kaibigan na panay paglalamyerda ang alam gawin. Lucky numbers at color for the day ang 14, 20, 33, 41 at white.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kung patuloy ang problema sa pera, kailangang magtipid. Malaki ang mamemenos sa gastos kung magbabaon kaysa kumain sa fastfood center. Isa ito sa maraming paraan ng pagtitipid. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 27, 38 at burgundy.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Huwag basta na lamang magtiwala sa kausap dahil isa sa mga ito ay bobolahin ka lang. Maging praktikal, talasan ang pagmamatyag at pakiramdam sa kapaligiran. Kung may gagawin, simulan kaagad. Lucky numbers at color for the day ang 13, 27, 28, 36 at garnet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Puno ng tensyon sa trabaho pero wala kang pangamba dahil handa ka sa gagawin at magagampanan  mo ng buong husay ang tungkulin. Ipagpatuloy mo ang iyong gawa dahil nasa tamang landas ka ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 15, 17, 32, 39 at orange.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Iturin mong napakasuwerte mo sa iyong kasalukuyang trabaho na kahit maliit ang sahod kung ihambing sa mga kaibigan na hangad ang malaking sahod pero magpa-hanggang ngayon ay palamunin pa rin ng mga magulang. Lucky numbers at color for the day ang 12, 15, 27, 37 at purple.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung isasaloob ang pagtitipid kahit paunti-unti, pasasaan ba at mabibili rin ang gusto na hindi na kailangang mangutang. Iwasan ang mangutang lalo na ang 5-6 sa bumbay dahil sa akalang mareresulba ang problemang pinansiyal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 14, 34, 40 at aqua blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Panay kabutihan ang gawin sa kapwa. Alalahanin na ang resulta sa ginagawa ay makakaapekto sa sarili at sa mga mahal sa buhay. Walang sino mang makakaligtas sa karma. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 41 at sky blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang panlalamang sa kapwa ay malaking dahilan sa paglubog ng hanapbuhay at landas na maghikahos, kaya dapat itong iwasan. Anuman ang naisin, mararating kung pagsisikapan na ito ay matupad. Lucky numbers at color for the day ang 19, 26, 34, 40 at green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang pagkawalang buto at labis na pagka-prangka ay pangunahing dahilan kaya iniiwasan ka ng mga kasamahan, kaibigan at maging ng mga kamag-anak. Baguhin ang ugali. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 34, 42 at violet.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Maaaring makilala o makatagpo ang bagong pag-ibig. Kung may dara-ting na isang hindi inaasahang imbitasyon, huwag mag-atubiling paunlakan dahil daan ito ng tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 35, 42 at fuchsia.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Huwag isubo ang sarili sa isang kompromisong alam na hindi kakayanin. Simple lamang ang buhay, kaya huwag gawing komplikado. Kung magiging mailap, hindi makakamit ang matagal nang hinahangad. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 24, 39 at blue.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with