Nobyembre 10, 2019
(Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2019 - 12:00am

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag maniwala sa kutob o hinala dahil magkakamali ka. Paniwalaan ang makikitang ebidensiya dahil ito ang  katotohanan. Huwag maniwala sa tsismis baka may naninira lamang. Alamin ang puno’t dulo bago magbigay ng komento o gumawa ng desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 12, 21, 33, 39 at orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) May makabuluhang bagay na magaganap sa’yo ngayon. Malamang sa iyong bagong anyo ng pagbibihis o pagbabago ng uga-ling hindi kanai-nais ay makakuha ng atensyon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 21, 32, 40 at cream.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Huwag pahatak sa problema. Ang mahalaga ay makagawa ng isang bagay na may pakinabang, palayain ang sarili sa pagwo-worry. Importanteng  kumilos habang hinahanapan ng makabuluhang hakbang ang sitwasyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 22, 25, 38 at blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Maaaring sawa ka na sa maliit na teritoryong ginagalawan, mula sa tahanan hanggang sa trabaho at pabalik. Ngayon ang magandang pagkakataon na paglaanan ng oras ang planong bakasyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 31, 42 at brown.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Sa labis na pag-iisip ng kaunlaran, kailangan ang “outlet” upang hindi maapektuhan ang kalusugan. Ang magbakasyon o mamasyal ay malaking bagay at makakatulong sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 34, 41 at green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Maganda ang iyong araw. Walang magiging problema sa trabaho at sa tahanan. Walang magiging hadlang sa mga binabalak at gagawin. Magaan ang pakiramdam at maaliwalas ang bawat sulok ng kapaligiran. Lucky numbers at color for the day ang 17, 18, 39, 41 at ocean blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Dahil magulo ang isip at sa pakiwari ay nasa nagkrus na daan at hindi alam ang tamang direksyon na pupuntahan, makakabuting kumunsulta sa higit nakakaalam o sa psychic para magkaroon ng tamang gabay. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 24, 41 at violet.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Sa halip na magsisi o manghinayang, magpasalamat na hindi natuloy ang plano o binabalak dahil magreresulta ng hindi maganda. Ibaling sa ibang makabuluhang gawain ang napagplanuhan dahil dito tiyak ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 19, 24 at yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kung naging magulo ang isip, ang magandang gawin ay umupo muna at magplano kung ano ang unang dapat gawin. Magplano bago magsimula ng kahit anong bagay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 27, 29 at white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Buong tatag mong mahaharap kung paano gawin ang pagkontrol sa iyong buhay at sa mga gagawing desisyon. Subalit ang masusing pag-aaral sa bawat kilos ay huwag kalimutan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 21, 34, 38 at red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Madaling mahulog ang iyong damdamin sa usaping pag-ibig. Mabilis ka rin makatayo kapag nadapa sa gitna ng nabigong relasyon. Kung liligawan o manliligaw nga-yon, tiyakin na handa kang "magpatali".Lucky numbers at color for the day ang 16, 19, 31, 36 at fuchsia.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Masayahin ka na maki-paghalubilo sa labas, su-balit ngayon iwasan ito ng malayo sa hindi magandang sitwasyon. Mag-ingat, magmasid at maging alerto sa paligid. Lucky numbers at color for the day ang 15, 17, 36, 42 at aquamarine.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with