Nobyembre 9, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2019 - 12:00am

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung nagmamaneho ng sasakyan, mag-ingat sa aksidente. Gayundin ang gawin kung sa pagtatrabaho ang hawak ay matatalas, matutulis o matatalim. Kung palaging nakaupo sa trabaho, iindahin ang sakit ng ba-lakang, baywang o likod. Lucky numbers at color for the day ang 1, 2, 33, 41 at violet.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Gugugol ka ng ilang oras sa pagpila kung may follow-up o mag-aaplay ng trabaho kung kikilos na sumikat na ang araw, kaya agahan. Maraming a-beryang mangyayari, kung may lalakarin hangga’t maaari ay ipagpaliban. Lucky numbers at color for the day ang 17, 19, 256, 37 at green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May kinasasabikan kang makita, maaaring isang tao o resulta ng pinapagawa o resulta ng trabaho. Huwag ma-discourage dahil may kapalpakan ang inaasam-asam. Sadyang ganoon, nilalayo ka lang ng iyong kapalaran sa ‘di magandang pangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 1, 11, 25, 40 at gray.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang nakahiligan ay hindi tugma sa iyong kalusugan, kaya dapat baguhin o putulin. Kung ang hilig ay oily foods at tsitsirya, bawasan o tanggalin na. Kung ang hilig ang sobrang paninigarilyo o sobrang inom ng alak, panahon na para putulin. Lucky numbers at color for the day ang 14, 24, 29, 34 at red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Bibigay ang kalusugan kung kulang sa pagpapahinga at ‘di balanse ang pagkain. Gulay at prutas ang kailangan. Kung sobra sa timbang, mag-diet at ehersisyo. Sarili ang magdurusa kung hindi paiiralin ang disiplina para sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 24, 25 at orange.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Usisain mo ngayon ang iyong sarili kung tama o mali ang iyong ginagawa. Ang buhay ay hiram lamang na kahit anong oras ay maaaring bawiin ng Maykapal. Tanging ikaw lamang ang makakasagot sa sariling katanungan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 16, 24, 43 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Maaaring hindi nila nakikita ang kagandahan at kabutihan ng iyong pagkatao. Ang mahalaga ay harapin ang mga pagsubok sa buhay. Dedma ka lang sasasabihin ng iba, basta’t tiyak mo na wala kang ginagawang labag sa batas ng Diyos at tao. Lucky numbers at color for the day ang 12, 13, 25, 35 at maroon.

 GEMINI: (May.21-Hun. 21) Kung tutuusin, mahusay mong nagagampanan ang iyong tungkulin at malapit ka sa iyong boss, nang dahil dito may mga kasamahan na pumuputok ang butsi sa inggit. Huwag patulan ang anumang maririnig na tsismis na ikinakalat laban sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 39, 42 at pink.

 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Maiaangat mo ang sarili ng hindi tumutungtong sa balikat o ulo ng kapwa. Ang ano mang gagawin o nagawa sa kapwa ay siya ring gagawin sa’yo. Kung gustong uma-ngat, sunugin ang kilay at magbanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ang 14, 22, 31, 41 at brown.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kung may gustong sabihin, walang dahilan na tumahimik. “This is a free country” at bawat isa ay may karapatang bigkasin ang niloloob, maliban ang labag sa batas. Maging matalino sa taong pagkakatiwalaan mo. Lucky numbers at color for the day ang 14, 24, 30, 40 at tangerine.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Bagaman may alinlangan kang simulan ang naiisip, ituloy dahil magtatagum-pay basta wala kang inaagrabyado. Kung negatibo ang isip, negatibo rin ang resulta ng gagawin, kaya palaging maging positibo. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 39, 40 at sky blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Walang masama sa kata-ngiang mabait at matulungin, ngunit isang pagkakamali kung ibibigay ang tulong sa taong hindi karapat-dapat. Mag-ingat dahil malapit ka sa mga taong mapagsamantala, mandaraya at manloloko. Lucky numbers at color for the day ang 13, 16, 33, 42 at white.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with