Oktubre 22, 2019
(Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Isang suliranin na matagal ng bumabagabag ang mareresulba. Malaki ang pasasalamat ng minamahal dahil sa ginagawang tulong. Maaaring magkaroon muli ng ibang problema ngunit walang maaasa-hang tulong mula sa iba. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 31, 38 at violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag palawakin ang alitan sa kabiyak upang hindi mauwi sa walang imikan. Kaila-ngan paminsan-minsan, ikaw ang magbaba ng pride. Ang kaunting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa tampo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 26, 36, 42 at ocean blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Huwag asahang sasagutin ka ng iyong nililigawan dahil maraming kaagaw. Ipakita ang totoong ugali at tiyak magugustuhan ka niya. Ang katangiang maalalahanin, mapagbigay at maunawain ay magbibigay ng malaking kredito sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 25, 36 at beige.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Iwasan ang magdamdam kung sakaling hindi matupad ang pangako. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Huwag basta magalit kung walang paliwanag ang kabilang panig. Makinig sa katuwiran ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 33, 41 at brown.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Hindi mabuting pairalin ang init ng ulo sa pagharap ng problema dahil hindi makakapag-isip ng magandang solusyon. Alalahanin na la-ging nakasuporta ang mahal kaya walang dapat ipangamba. Lucky numbers at color for the day ang 6, 25, 38, 42 at fuchsia.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Nakatakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho. Bagay kayong dalawa kaya’t walang magiging problema. Kung tiyak ang sarili, walang dahilan upang tumanggi. Lucky numbers at color for the day ang 16, 27, 35, 41 at magenta.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Marami ang nakapuna sa pagbabago ng ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natanggap na ka-tanyagan dahil babawiin kung paiiralin ang kasamaan ng ugali. Magpakumbaba. Alalahanin na laging nakasuporta ang mahal sa lahat ng pangarap. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 26, 41 at pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Sa magandang pag-uusap mareresulba ang problema. Ang panlalamig ng minamahal ay sariling kasalanan. Hanapin ang paraan para maibalik ang dating tamis ng pagtitinginan kung nayaw ng broken home o broken hearted. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 29, 40 at lavender.

  GEMINI: (May.21-Hun. 21) Maging mahinahon at magpasensiya kung may hindi pagkakaunawaan na malamang biglang susulpot mula sa kasamahan o sa tahanan. Lalong lalala ang hindi pagkakaunawaan kung idaraan sa dahas. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 22, 41 at yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kung inaakalang hindi tama ang gagawing pagsagot sa manliligaw, makakabuting pag-isipan muna ng mara-ming beses bago magdesisyon. Kung bukal sa puso ang gagawin, huwag ng patagalin. Lucky numbers at color for the day ang 24, 27, 33, 39 at green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Maganda ang iyong personalidad ngayon na aakit ng oportunidad at mga kaibigan. Sa pag-ibig, ang may inisyal na A o M ang may lihim na paghanga at malamang magtapat ng saloobin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 20, 37, 39 at orange.

. Lucky numbers at color for the day ang 7, 20, 37, 39 at orange.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ang gawaing mental ay i-naayunan ng panahon. Huwag magmalabis sa gawaing pisikal dahil kalusugan ang bibigay. Ang binabalak na sosyalan ay hindi makakatulong sa hinahangad at mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 16, 33 at indigo.

 

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with