Oktubre 21, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Magugulat ka sa makikita dahil hindi mo sukat-akalain. Isang dating insidente ang mauulit na hindi sinasadya. Walang katiyakan ang takbo ng panahon kaya ang mag-ingat ay dapat. Maging alerto. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 18, 22, 34 at ruby red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Unahin ang sariling kapakanan bago ang iba. Walang maibibigay na tulong sa iba kung sarili ay kapos. Kung may alinlangan, huwag ituloy dahil tiyak walang magandang kahihinatnan. May good news na matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 18, 23, 36, 38 at red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Malilito ka sa mga alok. Lalong mabuti kung makakapag-isa upang makapag-isip ng magandang ideya o tamang paraan. Kumunsulta sa inaakalang higit na nakakaalam. May pagkakataon na makahanap ng paraan upang madagdagan ang kita. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 26, 37 at jade green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Huwag sagarin ang sarili sa trabaho dahil kalusugan ang bibigay. Makakahanap ng tamang solusyon sa suliranin. Walang magiging problema at sagabal kung ilalagay sa maayos ang lahat. Iwas bulilyaso ang mag-isip bago simulan ang paggawa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 29, 35, 42 at orange.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Lakasan ang loob sa mangyayari. Makakaranas ng me-morable incident at magiging maligaya. Kung naging magulo ang buhay sa nakalipas, ngayon ay babalik sa normal. Lumayo sa taong tsismosa. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 28, 39 at gray.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Huwag magsisi kung may nagawang mali, ipagpalagay na charge to experience ito at hindi na mauulit. Ipanatag ang isipan sa problema dahil darating ng kusa ang solusyon sa tamang panahon. Iwasan ang maging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ang 20, 29, 34, 42 at yellow.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Sa impluwensiya ng panahon, walang magiging suliranin. Magiging masaya ang pakikihalobilo sa kasama-han, kaibigan at kamag-anak. Huwag pagkaitan ng tulong ang taong lalapit. Gawin ang nararapat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 23, 41 at maroon.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) May pabuya na matatanggap sa kabutihang nagawa. Kung may tensiyon sa tahanan o trabaho, huwag magkumento upang hindi magatungan at lalong sisiklab. Huhupa ang tensiyon paglipas ng ilang oras. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 29, 38 at avocado green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Magtiwala sa nararamdaman dahil malakas ang signos na hindi magkakamali. Huwag patulan ang mang-aasar o mangungulit. Dahil kapag nagkataon ay masasayang ang lahat ng pinaghirapan mo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 36, 39 at aquamarine.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Iiral ang katamaran, kasu-ngitan, pagkamainitin ng ulo at madaling magalit. Ito ang dapat paglabanan dahil kung hindi, tiyak mapapasubo sa hindi magandang sitwasyon. Labis na kaligayahan ang madarama kung may matatapos na gawain. Lucky numbers at color for the day ang 18, 25, 39, 43 at blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Tukso na kusang lalapit ay dapat iwasan dahil sisirain ang pamilya o ang kasalukuyang relasyon. Huwag magpadala sa matamis na salita dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Mag-ingat sa manloloko. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 29, 33 at white.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Upang hindi magkabuhol-buhol, ayusin ang mga schedules at repasuhin dahil may makakalimutan ka. Huwag mangako dahil tiyak hindi matutupad. May isyung dapat harapin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 29, 33 at brown.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with