October 20, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kung hangad ang mataas na grado, simulan ang magsikap sa pag-aaral ng leksiyon. Walang mapapala kung barkada ang laging aatupagin. Sa edukasyon at pinag-aralan lamang ang batayan ng magandang kinabukasan at tagumpay. Ugaliin na hindi mahuli sa oras ng pagpasok. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 23, 33 at lavender.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Matatanggap ang gantimpala sa pagpapahalaga sa tungkulin o pagsunod sa mga payo ng magulang o guro. Kung nag-aaral, ang nagsikap, gantimpala ang mataas na grado. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 26, 38 at lemon green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maliksi ang katawan. Maganda ang mood at isip. Walang magi-ging sagabal at tiyak matatapos ang gawain. Sa tahanan, susubukan ang iyong pasensiya sa dapithapon o gabi. Pairalin ang pagkamahinahon ng walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 16, 32 at mint green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Mag-ingat dahil magiging malapit ka sa mga taong mapagsamantala. Maiiwasan kung magiging alerto at huwag basta magdesisyon ng walang masusing pag-aaral. Huwag basta maniwala kahit kanino. Lucky numbers at color for the day ang 16, 29, 36, 37 at yellow.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Walang maaasahang tulong mula sa kaibigan at kahit kanino. Sariling sikap at kayod ka ngayon. Kung may kailangan huwag lumapit sa iba dahil mapapahiya lamang. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 23, 42 at red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Madaling magpaunlak ang kamag-anak o kaibigan. Bigyan ng wastong pangangalaga ang kalusugan dahil madaling kapitan ng sipon, ubo o trangkaso. Iwasan ang mabasa. Ambon man o ulan; huwag din magpatuyo ng pawis. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 33, 44 at gray.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kung may balak, ituloy at huwag mag-alinlangan. Kung sa kasamaan ang balak, huwag gawin dahil mahuhuli o matutuklasan. Upang iwasan ang hindi magandang pangyayari, huwag paunlakan ang paanyaya ng kaibigan o barkada. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 24, 35 at pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Hindi sinasadya na may matutuklasang lihim. Kung nakakatuwa o nakakalungkot, panahon lang ang makapag-sasabi. Iwasan ang masakit na biro upang hindi makasakit ng damdamin. Lumalandas sa tamang daan ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 25, 33 at fuchsia.

 

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Sa mga nag-aaplay ng trabaho lalo na patungong abroad, inaayunan ng panahon ang tagumpay kung lalakarin sa umaga. Aksiyon ang dapat at hindi panay salita. Lucky numbers at color for the day ang 4, 1, 21, 36 at green

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Sa tiyaga at sipag makakamit ang tagumpay. Sa mga tamad, kahirapan pa rin ang daranasin. Kung gustong umangat sa kahirapan, dobleng sipag at tiyaga ang gawin. Lucky numbers at color for the day ang 17, 16, 26, 36 at brown.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Sa gawa at wala sa salita ang sukatan ng tunay na pag-ibig. Kung ang manliligaw ay magbibigay ng bulaklak o chocolate, huwag ng pakawalan dahil magiging matamis at maligaya ang relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 27, 35 at blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) May kalutasan ang matagal ng gumugulo sa isip at bumabagabag sa damdamin. Ang taglay na talino at mabilis na pagkilos ay siyang magliligtas sa mga taong sasalungat. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 28, 36 at avocado green.

 

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with