Oktubre 19, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Mag-relax o mamas­yal dahil makakatulong manumbalik ang enerhiya ng sigla. Magiging makitid ang isip kaya iwasan ang mapikon at madaling mag-init ang ulo. Iwasan ang maglasing at huwag magsugal, gayundin ang biro at kantiyawan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 13, 25 at orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Anumang paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralan ng mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Kung may balak na mag-lakbay, ipagpaliban sa ibang araw dahil mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 24, 30 at pink.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) May mag-aalok ng trabaho subalit mas maigi na pag-aralan mabuti at timbangin ang kabutihang maidudulot kaysa kasalukuyang trabaho. Nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama. Lucky numbers at color for the day ang 16, 20, 31, 42 at maroon.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang tunay na kaibigan sa ginhawa at kagipitan ang damayan. Tawag ng panahon upang iwasan ang kaibigan sa turing at wala sa damayan. Ngayon mapapatunayan ang tunay na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 19, 30 at dollar green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Nasa kondisyon at kasiglahan ka at handang harapin ang anuman. Magiging masayahin na halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na makikita, isa lamang ang dahilan, pag-ibig. Isang kaibigan ang malamang magtraydor o mag-taksil. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 12, 28 at cream.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Alam mong tama ka, subalit lalong mabuti kung huwag kang makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang sariling suliranin dahil may kalutasan kung pagtutuunan ng pansin. Magbibigay ng positibong resulta kung sisimulan kaagad ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 21, 39 at fuchsia.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Magtatagumpay sa nilalakad. Magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magandang balitang masasagap. Maganda ang takbo ng pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang tahanan ay mapagtutuunan ng pansin. Magiging mainitin ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Hinahon ang kailangan ng walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 25, 31 at lavender.  

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Huwag magmadali. Hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa gustong mangyari. Maraming gustong gawin na pagbabago ngunit mahihirapan na magpaliwanag sa kinauukulan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 35, 36 at blue.

 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Dagdagan ang tiyaga at panalangin upang makaiwas sa bulilyaso. Maraming pagkakamali ang magagawa ngayon. Hinahon ang kaila­ngan. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 19, 24 at green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Malakas ang tiwala sa sarili at positibo ang pag-isip sa mga gawain o ginagawa. Walang suliranin sa pamilya o minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganahan ang tinatahak sa kabuhayan at pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 35, 36 at blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan o kamag-anak, subalit dapat tanggihan dahil matatagalan bago mabayaran. Huwag magalit sa payong maririnig, mabuting pag-aralan muna ang lahat bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 24, 30 at gray.

 

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with