Oktubre 14, 2019
(Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kung ang mga praktikal na bagay ang tatagla-yin, nasa tamang landas ka ng kaunlaran. Subalit kung karangyaan ang nasa isip at mapagbigay sa bawat hiling ng nasasakupan, nasa maling daan ka ng pag-unlad. Lucky numbers at color for the day ang 17, 27, 35, 43 at canary yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang romansa ang pinakamasaya. Ang tupang itim sa pamilya ay susunod na gaya ng maamong kurdero. Ang selos ang maghahari sa damdamin at kung hindi mapaglalabanan ay may bantang gulo. Lucky numbers at color for the day ang 7, 23, 38 at jade green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang gawain o trabaho ay tatakbo ng matiwasay at walang hadlang. Nakakatiyak ka ng tagumpay kung ngayon isasagawa ang magandang binabalak. Kung masama ang plano, supilin dahil masama ang mangyayari at pagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 13, 25, 38 at blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Aries ang makikilala, tiyak magkakaroon kayo ng relasyon o maaaring magkatuluyan. May babalang gusot na mangyayari mula sa kaanak o sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 21, 32, 39 at jade green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) May seguridad ka sa iyong trabaho at walang dapat alalahanin ngunit lubos na pag-iingat ang kailangan laban sa sa naiinggit. Malamang isang kaibigan o kasamahan ang magtatraydor tungkol sa trabaho o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 13, 34, 41, 43 electric blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung ngayon may makikila-lang isang Leo, siya ang magpapatingkad ng iyong pagkasosyal. Isang secret admirer ang magpapakilala o matutuklasan mo ngayon. Malamang kailangan mo ang tulong o suhestiyon ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 22, 39 at orange.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kung gagawin ang dapat gampanan ngayon, may mapapalang kaunlaran para sa kinabukasan. Huwag mag-alinlangan dahil nasa panig ang tagumpay kung kikilos kaagad. Iwasan ang magbakasali dahil kapalpakan ang matatamo. Lucky numbers at color for the day ang 14, 30, 40, 41 at neon green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang binitiwang salita ay la-rawan ng pagkatao. Huwag mangako kung hindi kayang tuparin. Huwag magyabang dahil kapalpa-kan  ang matatamo. Lumayo sa taong mahilig sa tsismis para hindi mapahamak. May mensaheng matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 22, 29, 40, 42 at blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Mapapaligiran ka ng mga kaibigang tsismosa at mapanira ng kapwa, kung bibigyan ng panahon, magiging bagong miyembro ka ng grupong tsismosa. Iwasan mo ngayon ang mga bagay na sa akala ay may hindi magandang maidudulot sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 13, 23, 35, 39 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magpakahinahon at maunawain dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon at mainitin ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang mahabang pasensiya. Iwasan ang mangako dahil mahihirapan sa pagtupad. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 35, 39 at pink.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang kaunting suliranin sa pamilya ay hindi dapat dal-hin hanggang sa pinapasukan o trabaho. Isang lihim ang hindi inaasahang matuklasan, iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 20, 34, 40 at brown.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Wala sa iyo ang tinatawag na swerte, kaya iwasan ang anumang uri ng sugal. Kung ano ang kikitain ngayon ay ilaan sa sarili at pamilya. May mapapala kung daragdagan ang pagsisikap at pagtitiyaga sa hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ang 20, 25, 33, 34 at green.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with