October 13, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2019 - 12:00am

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Makakamit mo ang hinahangad kung buo ang iyong loob. Huwag asahan ang iba kundi ang sarili. Ikaw ang gumagawa ng iyong destinasyon sa gabay ng Panginoon. Kung hangad ang kaunlaran, plano at kilos ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 30, 42 at red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Daranasin ang hirap at paghihikahos kung makasarili. Kung babaguhin ang patakaran at magiging matulungin at maunawain, dadaloy ang suwerte. Kung nagkamali, matutong humingi ng dispensa. Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 16, 30 at blue.  

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maaari kang makisaya subalit iwasan lamang ang malasing at ang argumento. Taimtim na panalangin ang kailangan upang makaiwas sa hindi magandang pangyayari. Dobleng pag-iingat ang gawin sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 7, 25, 30, 39, 41 at white.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang pinakamagandang handog sa sarili ay ang pagbabago at ang pagtuwid sa maling landas at tiyak na nasa unahan ang tagumpay sa gustong makamit. Ituloy ang pagpapakabuti. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 28, 32 at indigo.  

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung ano ang ipinunla ay aanihin. Kung gumawa ng kasamaan, gagawin din ito sa iyo. Kung napabilang naman sa naghangad at gumawa ng mabuti, lalandasin ang su­werte. Lucky numbers at color for the day ang 6, 20, 31, 44 at green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kapakanan ng sarili bago ng iba ang dapat isaalang-alang. Hindi ka maaaring makatulong kung kapos sa sarili. Kung walang tiyaga at sipag, hikahos ang daranasin. Sikapin na magbago at nakakatiyak na magiging masagana ang buhay. Lucky numbers at color for the day ang 13, 15, 26, 40 at beige.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kung ang suliranin ay pera dahil kapos, huwag mabahala dahil alam ng mga minamahal kung gaano ka nagsikap. Ang pagkakaisa ng pamilya ay magdudulot ng kaligayahan. Magsikap dahil habang may buhay, may pag-asa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 29, 30 at avocado green.  

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magiging maligaya ang araw at upang maging masagana ang darating pang mga araw, patawarin ang mga taong nagkasala at humingi ng tawad sa nagawan ng kasalanan. Baguhin ang dapat baguhin sa ugali. Lucky numbers at color for the day ang 1, 13, 27, 42 at tangerine.  

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Kung magsisikap at magtitiyaga, lalandasin ang tamang daan ng kaunlaran sa hinaharap. Kung gustong magbago ang takbo ng buhay, baguhin ang baluktot na ugali. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 28, 33 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kahirapan ang dinaranas ng karamihan dahil sa krisis. Kung ikaw ay napabilang dito, huwag mawalan ng pag-asa. Maraming bagay ang magagawa para kumita kung magsisikap. Lucky numbers at color for the day ang 12, 25, 39, 41 at dollar green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Makikita ngayon ang pagkakamali sa buhay. Kung itutuwid at babaguhin, malaki ang pag-asa na landasin ang kaunlaran. Ipagpatuloy ang sipag, tiyaga at pasensiya at makikita ang kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 17, 35 at pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Balikan ang alaala ng kahapon dahil ang hindi maru­nong lumingon sa pinangga­lingan ay hindi makakarating sa patutunguhan. Ang pagkakamali ay magsisilbing gabay para magawa ang kaukulang pag-iingat. Lucky numbers at color for the day ang 12, 14, 27, 33 at fuchsia.

 

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with