^

Kutob

Oktubre 12, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Hindi maiiwasan na mapaiyak sa mangyayaring hindi  kanais-nais sa sarili. Walang masama na umiyak kung hindi kaya ng kalooban. Ang pag-iyak ay magbibigay ng kaluwagan sa sumisikip na dibdib. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 23, 39 at red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Masaya ang buong araw dahil nakakatiyak na mahal ka pa rin niya sa kabila ng iyong mga pagkukulang. Huwag lamang umabuso ng sobra dahil hindi sa lahat ng panahon ay mauunawaan ka. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 44 at yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang pakiramdam mo ngayon ay walang nakakaunawa sa nais mong mangyari. Huwag mawalan ng pag-asa. Isang kaibigan na kahit naguguluhan sa iyo ay hindi ka iiwan sa ere. Mananatili siyang nakaalalay sa’yo. Lucky number at color for the day ang 17, 20, 31, 40 at emerald green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ihanda ang sarili na makinig sa problema ng kaibigan. Tiyakin na hindi ka madadala sa problema nito dahil wala kang magagawang tulong ‘pag nagkataon. Huwag ipagkait ang iyong tulong sa nanga-ngailangan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 17, 32, 45 at beige.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Unahin ang higit na mga maha-lagang bagay. Ang ilang gawain ay maaaring makapaghintay. Huwag hayaang manaig ang kasalukuyang depresyon dahil wala kang magagawa. Kung kikilos agad may solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ang 10, 18, 22, 37 at maroon.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Piliting maging mapagpasensiya kahit pikon na pikon ka na. Walang magandang idudulot kung paiiralin ang galit. Tiyak na makapagsasalita ng hindi maganda at makakasakit ng damdamin ng iba kung hindi ka makapagpipigil. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 39 at pink.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Sikapin na kung ano ang magagawang tulong sa pro-blema ng kaibigan o kasambahay ay gagawin. Huwag ipagkait ang tulong kung may paraan. Darating ang panahon na siya naman o may ibang kaibigan ang makakatulong sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 15, 34 at white.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Umuwi na lang ng bahay at magpahinga kung sa tingin ay hindi na kaya ng katawan ang magtrabaho. Mabuting magpahinga kung nakakaramdam ng pagod, kaysa tuluyang magkasakit. Pahinga ang kailangan ng katawan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 23, 39 at peach.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Hindi umaayon ang panahon sa gustong mangyari. Hindi ka makakapag-isip ng maayos sa araw na ito. Kung may suliranin, huwag ipagwalang-bahala ang paghahanap ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 25, 37 at tangerine.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Wala kang dapat alalahanin kung may mga bagay na hindi natapos. Humingi ng tulong sa mga kasamahan kung gahol sa oras ang dapat tapusin. Kahit paunti-unti, matatapos din ang trabaho. Huwag magmadali. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 28, 44 at black.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Malamang yayayain kang mamasyal ng minamahal, kamag-anak o kaibigan. Kapag nagkataon, masaya ang kahihinatnan ng hindi pagkakaunawaan. Dahil mas makikilala ninyo ang isa't isa. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 35, 42 at brown.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Mapapaunawa sa kasamahan na hindi mo layunin ang ipahiya o saktan sila, kundi nais mo lamang na itama ang mali para sa kapakinabangan ninyong lahat. Sabihin ito ng maaayos at asahan na mauunawaan ka nila. Lucky numbers at color for the day ang mint green.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with