Oktubre 10, 2019
(Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Isiping mabuti ang mga dapat na gawing hakbang bago kumilos. Lalong makakasama sa binabalak ang mga desisyong walang katuturan. Pag-isipan ang kalalabasan ng gawain kung magbubunga ng kabutihan o kasamaan sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 26, 37 at lilac.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Magiging masaya ang susunod na mga araw pero sad to say na ngayon ay matamlay ka. Maging maunawain at makikita na ang pagpapahalaga ng minamahal sa mga bagay na mahalaga sa iyo. Ang tunay na pag-ibig ay nakikita sa gawa. Lucky numbers at color for the day ang 13, 26, 32, 41 at yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinaramdam ang mga bagay na sinasabi sa iyo. Umaksiyon, huwag pahintulutang manatili sa dibdib ang kinikimkim na sama ng loob. Ipaglaban ang kapakanan. Maging tapat sa tunay na damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 20, 27, 35, 42 at orange.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kung may problema, makikilala ang tunay na mga kaibigan. Sa oras ng kagipitan at panga-ngailangan masusubok ang totoong magmamalasakit sa'yo. Mag-ingat dahil may magtatraydor. Lucky numbers at color for the day ang 1, 19, 25, 37 at sky blue.

ang 1, 19, 25, 37 at sky blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Mag-ingat sa pagsasalita ng hindi mapahiya sa kapwa. Huwag damdamin ang pangyayari dahil makakabawi ka sa ibang paraan. Mag-ingat ngayon dahil malapit sa iyo ang manakawan. o ma-hold up. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 39 at fuchsia.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Pagbigyan ang kahilingan ng nakakarami. Ito ang tanging paraan upang maiwasan na magkaroon ng samaan ng loob sa pag-ibig, makakara-ting sa kaalaman ng kapares ang pakikipagrelasyon sa iba. Lucky numbers at color for the day ang 18, 24, 34, 40 at jade green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Dedma ka sa lahat ng maririnig. Huwag patulan ang naghahanap ng gulo. Mapapatunayan na ang maunawain ay hahangaan ng kapwa. Makakagawa ng isang bagay na kabibiliban  ng marami. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 28, 33 at white.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Iwasan ang pagkaagresibo, dahil sa halip na mapalapit ang kalooban ng minamahal ay mawawalan siya ng tiwala sa’yo. Kung magiging mapusok, daranasin ang kapahamakan. Matutong tumanggap ng kabiguan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 29, 36 at blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Isipin na kaya masaya ang minamahal ay dahil sa na-ging mapagparaya ka. Ang maging maalalahanin ay may ganting pagmamahal. Kung naging makasarili ka noon, ngayon dapat baguhin bago maging huli ang lahat. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 21, 38 at light blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Sa bawat araw na nagdaraan, makakaramdam ng pagkainip at pagkainis sa sarili dahil parang walang nangyayari. Ito ang tamang panahon para maisakatuparan ang matagal ng binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 12, 20, 33, 42 at pink.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Suliranin sa pag-ibig ang magdadala ng katamlayan. Kung hindi mapaglalabanan, hahantong sa isipan na sirain ang sarili. Huwag mag-alala dahil sadyang hindi siya bagay sa’yo at pagsisisihan kung kayo ay magkakatuluyan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 21, 37 at gray.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Huwag mainis kung magi-ging makulit ang mga taong nakapaligid, dahil sadyang malapit ka ngayon sa kanila. Nais lamang nilang may patutunguhang maganda ang iyong pinaghirapan. Huwag magwaldas ng pera. Lucky numbers at color for the day ang 10, 21, 29, 37 at brown.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with