^

Kutob

Oktubre 9, 2019

Philstar.com

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Huwag agad-agad gumawa ng desisyon kung hindi tiyak ang sarili. Ang paggawa ng desisyon ay hindi minamadali lalo na kung kaugnay ito sa maselang bagay. Kung hindi nakakatiyak, kumunsulta sa higit na nakakaalam. Lucky numbers at color for the day ang 10, 26, 33, 40 at violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Maaaring ang dalawang intresado ay magtatanong na kung sino ang iyong pipiliin. Maaari ang iyong boyfriend ay magyaya ng pakasal. Tiyakin ang desisyon ay galing sa puso. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 30, 42 at white.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Iwasan maging sakit ng ulo ng kapwa. Huwag hayaang mainis ang nakapaligid dahil magiging makulit ka ngayon. Kung ano ang gusto, huwag magpadalos-dalos dahil maaaring ito ang ikasira. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 25, 40 at gray.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Manatiling mapagpakumbaba at huwag hayaang umiral ang kayabangan. Magiging mataas ang iyong pride na kapag walang self-control, mapapasubo o mapapahiya sa karamihan. May sasalu-ngat sa'yong ideya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 26, 37 at green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang nararamdamang sakit ay mapapawi. Pagbigyan ang sa-rili na makapaglakbay sa ibang lugar para maiba ang ihip ng kapalaran. Ang magbakasakali maliban sa sugal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 24, 36 at orange.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng pagkamaunawain at pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Ang tiwala ay kakambal ng pag-ibig at pagmamahal, kaya dapat alagaan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 19, 38 at red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Nakakadismayang balita ang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansiyal o buhay pag-ibig. Huwag hayaan na maapektuhan ng husto ang sarili. Nasa tabi lamang ang solusyon sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 24, 35 at maroon.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal. Para makasiguro sa nais malaman, kausapin ng masinsinan ng maliwanagan. Huwag kimkimin sa sarili kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 24, 39 at peach.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ang maging mapagbigay at maalalahanin ang tanging paraan para mapalapit sa lihim na minamahal. Kung may gustong sabihin, walang masama na ipagtapat kung malinis ang pakay. Lucky numbers at color for the day ang 4, 16, 27, 31 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Hindi kailangan na ma-ging magarbo o magastos para matiyak na magiging maganda ang impresyon ng tao. Ang maging natural ay sapat na para makuha ang atensiyon ng mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 39, 44 at pink.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Huwag maging magastos kahit may pera dahil dara-ting ang araw na tiyak may pagkakagastusan na hindi maiiwasan. Mabuti ng la-ging may naitatagong pera na kung kailangan ay may magagamit. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 39, 41 at sky blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Unti-unting makikilala ka sa larangan na kinabibilangan. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Maging malambing. Sa negosyo, maganda ang kikitain. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 30, 41 at tangerine.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with