^

Kutob

Oktubre 8, 2019

Pilipino Star Ngayon

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Walang katiyakan ang takbo ng panahon. Maaaring urong-sulong ang mga pangyayari kaya ang dapat gawin ay makisayaw sa tugtog ng panahon. Maging sa sarili hindi nakakatiyak kung ano ang dapat gawin at kung ano ang tama at ano ang mali. Dapat mag-relax sa pama­masyal o manood ng sine upang makasagap ng magandang enerhiya. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 23, 34 at maroon. 

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Upang mag-tagumpay, magsaliksik ng mga detalye at iayon sa sarili. Kung may hindi nalalaman, huwag mahiyang magtanong. Umaaayon ang panahon sa pagsasaliksik ng mga bagay na wala sa kaalaman. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 18, 38 at cream. 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang praktikal na gawain ay siyang magbibigay ng kasiyahan at moral. Ang mababang sahod na halos hindi sapat sa pangangailangan ng sarili at pamilya ay magbibigay ng katamaran sa gawain. Lucky numbers at color for the day ang 2, 24, 34, 42 at red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kailangan ang matibay na self-control dahil baka may susubok sa iyong pagtitimpi. Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo dahil ito ang sisisira ng iyong magandang araw. Iwasan ang mapagbirong mga kaibigan. Kung sakali, huwag mapikon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 20, 21 at brown.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung may lalakarin, sa umaga gawin upang magtagum­pay. Ang lahat ng aktibidad sa umaga ay walang kapalpakan, subalit sa bandang hapon ay magiging matamlay at mabagal. Naaayon ang pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 12, 23, 26, 28 at ivory cream.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang taglay na sipag at pag­tyaga ang magiging mabisang puhunan para makamtan ang kaunlaran. Ang responsibilidad tungkol sa pamilya ay siyang magiging pangunahin kaysa sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 29, 42 at beige.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Magiging matibay ang iyong pundasyon sa larangan ng trabaho kung may magandang mungkahi para sa ikagagan­da at ikakaunlad ng negosyo. Ang iyong pananahimik ay manga­ngahulugan na walang pakialam at makasarili. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 31, 40 at gray.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magandang pagkakataon upang hanapin ang dekalidad na investment kaysa magmukmok at walang gawin. Ang talino ay malaking puhunan para sa ikakaunlad, kaya panahon na upang magamit sa makabuluhang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 21, 24 at blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ang  paghahanap ng walang bakanteng oras sa gawain ay hindi magbibigay ng tamlay sa sarili. Maging maagap sa lahat ng bagay kaya nasa tamang landas ang tinatahak na kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 12, 19, 26, 27 at lemon green. 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Maaaring makamit ang matagal ng pinapangarap. Maging sensitibo ka sa mga kakaunting bagay.  Upang manatiling balanse ang  enerhiya ng kaligayahan. Makakabuti ang maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 21, 23 at ruby red. 

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kumpetisyon sa trabaho lalo na sa promosyon ay magi­ging mahigpit, subalit kung may promosyon sa pinapasukan, asahan na isa ka sa kanila. May matatanggap na hindi inaasahang regalo o balita. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 32, 39 at yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Sikapin na ang naalin­tanang mga gawain ay matapos bago sumapit ang hapon. Ang anumang maiwanang Gawain ngayon ay magiging walang kabuluhan sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ang 10, 15, 18, 38 at orange.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with