^

Kutob

Setyembre 21, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Buong tatag mong mahaharap ang pag-kontrol sa iyong buhay at sa gagawing mga desisyon. Subalit ang masusing pag-aral ay huwag kalimutan. Kalimitan, ang biglaang desisyon ay pinagsisisihan ang resulta. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 35, 37 at red.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Huwag maniwala sa kutob o hinala dahil malamang magkakamali ka. Paniwalaan ang makikitang ebidensiya dahil ito ang katotohanan. Huwag maniwala sa tsismis, baka may naninira lamang. Lucky numbers at color for the day ang 2, 29, 33, 39 at orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Masayahin ka sa pakikihalo-bilo sa labas, subalit ngayon iwasan ito nang mapalayo sa hindi magandang mangyayari. Mag-ingat, magmasid at maging alerto sa paligid. Hangga’t maaari, tumigil sa loob ng tahanan. Lucky numbers at color ang 5, 7, 36, 39 at aquamarine.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Matinong pag-iisip at pagiging praktikal ang dapat isagawa ngayon. May makakasagupa kang makulit, mapagsamantala o manloloko. Kahit alam mong inuuto ka, kinukulit, may mapagsamantala o manloloko, huwag magsawalang kibo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 23, 28, 37 at blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May makabuluhang bagay ang magaganap sa’yo ngayon. Malamang sa iyong bagong anyo nang pagbibihis o pagbabago ng ugaling hindi kanais-nais ay makakuha ng atensyon ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 12, 29, 32, 38 at cream.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang hindi napagtuunan ng pansin noon ay magiging prayoridad mo ngayon at maaaring ito ay sa negosyo, trabaho, sa tahanan o relasyon. Gawin ang inaakalang ikaliligaya at ikauunlad pero tiyakin na may kalakip itong kaukulang pag-aaral. ang Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 34, 41 at green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ibahagi ang iyong opinyon at saloobin. Hindi ikinakahiya na ipakita kung sino ka at ano ang kaya mong gawin. Walang mapapala kung hiya ang paiiralin sa’yong pagkatao, dahil hindi mo mabibigkas o maipapakita ang iyong talino, husay at galing. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 34, 42 at brown.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Dahil magulo ang iyong isip at sa pakiwari ay nasa nagkrus na daan, na taliwas sa direksyong gustong puntahan,  makakabuting kumunsulta sa higit na nakakaalam o sa psychic para magkaroon ng tamang gabay. Lucky numbers at color for the ang day ang 8, 9, 14, 41 at violet.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magaan ang iyong araw. Walang magiging problema sa trabaho at sa tahanan. Walang magiging hadlang sa anumang binabalak at gagawin. Magaan ang pakiramdam at maaliwalas ang bawat sulok ng kapaligiran. Lucky numbers at color for the day ang 7, 8, 39, 43 at ocean blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Kung naging magulo ang isip mo, ang magandang gawin ay umupo at magplano kung ano ang unang dapat gawin. Magplano bago magsimula ng kahit anong bagay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 17, 29 at white.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Sa halip na magsisi o manghinayang, magpa-salamat na hindi matutuloy ang plano o binabalak dahil magreresulta lamang ito ng hindi maganda. Palipasin muna ang araw na ito kung may lalakarin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 19, 24 at yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Madali kang mahulog pagdating sa usapang pag-ibig. Kung liligawan o manliligaw ngayon, tiyakin na ang iyong twin flame o soul mate ang magiging prospect. Lucky numbers at color for the day ang 6, 26, 31, 36 at fuchsia.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with