^

Kutob

Setyembre 19, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Gamitin ang praktikal at hindi panay puso kung tungkol sa pag-ibig ang problema. Tatalon sa bintana ang pag-ibig kung hikahos ang kakatok sa pintuan. Kung nagkaroon ng tampuhan ang magkasintahan, siguro panahon na upang pag-isipan nang mabuti ang sitwasyon kung tama o mali. Lucky numbers at color for the day ang 18, 24, 36, 38 at jade green.   

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Ehersisyo, tamang dyeta at disiplina sa sarili ang kaila­ngan upang mapanatili ang kalusugan. Kung matamlay o hindi maganda ang pakiramdam, huwag hayaan na hindi makapagpa-check up upang hindi lumala. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 32, 33 at maroon.  

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung hangad na mapangalagaan ang kapakanan, alamin at pag-aralan muna ang mga detalye bago pumalaot o magdesisyon. Huwag maging marahas. Praktikal na paraan ang gamitin kung gustong ma­ging tama ang desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 39, 40, 43 at  aqua blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang matino at tamang desisyon sa pag-iingat ng pera ay kailangan upang hindi kapusin. Husayan ang pagba-budget sa mga gastusin. Iwasan ang pagbili ng mga gamit na hindi gaanong kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 27, 29, 37 at sky blue.  

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Hindi makukuha sa pagdarasal lamang ang nais, magbanat ng buto. Kung gustong umangat ang antas ng buhay, simulan ang magsikap, magtiyaga at manalangin. Lucky numbers at color for the day ang 10, 33, 40, 41 at neon green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang nagawa o gagawin sa’yo ay hindi katakataka dahil salamin lamang ito ng iyong pagkatao. Ang kabutihan ay may ganting kabutihan at ang kasamaan ay may balik na kasamaan. Panahon ngayon ng pagbabago. Lucky numbers at color for the day ang 20, 30, 39, 42 at green.  

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung may pananaw sa kinabukasan, tutukan at pag-aralan ang pag-angat ng edukasyon. Walang makukuha sa pansa­mantala at mapag-samantalang mga barkada o kaibigan. Huwag padala sa pansaman­talang kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 28, 30, 40 at blue.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Sumunod ka sa agos ng mga kasamahan kung ayaw magkaroon ng kaaway. Kahit labag sa kalooban, sundin ang gusto ng magulang dahil hangad nila ang iyong kabutihan. Magsisisi ka kung ang iyong gusto ang susundin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 39, 40 at red.  

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Maaaring maganda ang pakiramdam ng hanga­ring makakawala sa impluwensya ng nakakairitang tao, subalit magiging kumplikado ang sitwasyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 23, 40 at orange.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Malaki ang magiging impluwensya at kakayahan sa komunikasyon. Maaari kang makapagbigay ng magandang suhestiyon o mungkahi sa isang mahalagang isyu. Lucky numbers at color for the day ang 14, 27, 36, 42 at bold yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Upang mapanindigan ang sariling kapakanan, kaila­ngan maging matapang at matatag sa pagpapahayag ng sariling panig. Kung inaakalang may katwiran, ipahayag at huwag tumahimik. Lucky numbers at color for the day ang 13, 23, 35, 39 at indigo.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang kaganapan sa paligid ay maaaring makaistorbo, mahalagang isaisip ang trabaho. Huminto sa ginagawa at bigyan ng kaunting panahon ang nasa paligid. Ang positibong pakikitungo sa iba ay may tugong sagot sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 39, 41 at brown.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with