^

Kutob

Agosto 15, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Tuparin ang pa­ngako para manatili ang dignidad. Kung may transaksyon sa negosyo, dapat isagawa sa umaga. Makakabuti ang pagdalaw sa isang matandang kamag-anak. Mahalagang makinig sa payo ng mga magulang o nakakatanda. Lucky numbers at color for the day ang 10, 15, 24, 40 at avocado green.  

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Magandang kapalaran ang naghihintay sa gagawing pagliliwaliw. Sa paraang mahinahon, ang problema kasangkot ang ilang kasamahan sa trabaho o kasambahay ay madaling malulunasan. Lucky numbers at color for the day ang 22, 29, 32, 35 at honey yellow.  

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – May pagkakataon na maka­gawa ng bagay na kapaki-pakinabang sa pamilya. Hindi magiging makatuwiran sa paningin nang nakararami ang magwala o ang mag-eskandalo. Ang labis na pagseselos ang siyang kikitil sa relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 31, 34 at wine red.  

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Isang matalik na kaibigan ang maghahatid ng magandang balita. Ang magandang kapalaran ay umaayon sa kalagayang pinansiyal. Ang maging maunawain sa harap ng hindi magandang pangyayari ay magbibigay ng respeto. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 19, 32 at malachite green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Huwag kaagad magdesisyon kung mahalagang bagay ang nakataya. Nasa likuran ang anino ng pagkakamali. Ang proposisyon ng kaibigan ay dapat suriing mabuti bago paunlakan. Iwasan ang magpabagu-bago ng isip. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 29, 42 at cannary yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – May kahirapang pakibagayan ang mahal o kasamahan sa tahanan. Kailangan ang unawa at mahabang pasensya. Ang mga bagay na may kaugnayan sa pinansiyal ay dapat bigyang pansin at tamang badyet. Mapapaunlad ang ispiritwal na kaalaman. Lucky numbers at color for the day ang 13, 19, 23, 33 at lavender.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Angkop ang pagpapayaman ng talino at karanasan. Ang mga gintong-aral ay magagamit ngayon. Mada­ling malulunasan ang dalang suliranin. Iwasan ang anumang uri ng paanyaya. Bigyang pansin ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 23, 32 at peach.  

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Iwasan na maging masalita at baka makasugat ng damdamin ng kapwa. Magiging abala sa paggawa sa taha­nan, opisina o pinapasukan. Magkakaroon ng ‘di makakalimutang pangyayari dahil sa pagkabuhul-buhol ng trapik. Lucky numbers at color for the day ang 3, 14, 33, 43 at purple.  

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Ang pagmamadali sa pagpapasiya ay malapit sa panganib o kapahamakan. Huwag magtiwala sa mga taong makakatagpo o bagong kakilala. Huwag makialam o makisangkot sa alitan ng kasamahan. Iwasan ang makipagtalo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 26, 41 at fuchsia.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Masayang pangyayari ang magaganap. Iwasan ang pakipagsapalaran. Ang mga kasama sa gawain ay maaasahan. Maging alerto sa gawain. Iwasan ang magpautang ng pera. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 18, 21 at violet.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Ang panahon ay umaayon sa mga binabalak. Matatagpuan ang sarili sa harap ng alanganing sitwasyon. Ang sikretong pag-ibig ay dapat iwasan. Magiging masungit ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 7, 10, 26, 38 at navy blue.  

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Pag-aralan ang mga bagay na gumugulo sa isipan dahil nasa tabi lamang ang solusyon. Kung hindi nakakasiguro sa gawain, magtanong upang maliwana­gan. Ang personal na hangarin o binabalak ay may katuparan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 10, 32, 45 at indigo.

vuukle comment

2019 HOROSCOPE

AGOSTO 13

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with