^

Kutob

Agosto 14, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Huwag palawakin ang alitan sa kabiyak o minamahal upang hindi mauwi sa matagal na walang imikan. Kaila­ngang paminsan-minsan ikaw ang mag-baba ng pride. Ang kaunting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa tampo o sa pagsasawalang kibo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 26, 36, 42 at ocean blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Isang suliranin na matagal nang bumabagabag ang mareresulba. Malaki ang pasasalamat ng minamahal dahil sa ginagawang tulong. Maaaring magkaroon muli ng ibang problema. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 31, 38 at violet.   

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Ang gawaing pisikal ay inaayunan ng panahon. Huwag mag-malabis sa gawaing mental dahil kalusugan ang bibigay. Ang binabalak na sosyalan ay hindi makakatulong sa hinahangad at mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 16, 33 at indigo.  

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Maganda ang personalidad ngayon na aakit sa mga kaibigan lalo na sa humahanga. Tanggihan ang hindi gusto o labag sa kalooban para maiwasan ang mapahamak. Sa pag-ibig, ang may insiyal na A o D ang may lihim na paghanga. Lucky numbers at color for the day ang 7, 20, 37, 39 at orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung inaakalang hindi tama ang gagawing pag-sagot sa manliligaw, makakabu­ting pag-isipan muna nang maraming beses bago magdesisyon. Hindi ang opinyon ng kaibigan tungkol sa pag-ibig ang dapat sundin. Lucky numbers at color for the day ang 24, 27, 33, 39 at green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung inaakalang hindi tama ang gagawing pag-sagot sa manliligaw, makakabu­ting pag-isipan muna nang maraming beses bago magdesisyon. Hindi ang opinyon ng kaibigan tungkol sa pag-ibig ang dapat sundin. Lucky numbers at color for the day ang 24, 27, 33, 39 at green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Nasa magandang pag-uusap ang pagresulba sa problema. Ang panlalamig ng kabiyak o minamahal ay kasalanan mo. Hanapin ang paraan para maibalik ang dating tamis at init ng pagmamahal. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 29, 40 at lavander.  

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Marami ang nakapuna sa pagbabago ng ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natanggap na suwerte o katanyagan dahil babawiin kung paiiralin ang masamang ugali. Magpakumbaba, alalahanin lagi na nakasuporta ang mahal sa lahat ng pangarap. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 26, 41 at pink.   

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Nakatakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o kaibigan. Bagay kayong dalawa kaya’t walang magi­ging problema. Kung tiyak ang sarili, walang dahilan para tumanggi. Lucky numbers at color for the day ang 16, 27, 35, 41 magenta.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap ng problema, dahil hindi makakapag-isip ng magandang solusyon. Alalahanin na laging nakasuporta ang mahal kaya walang dapat ipangamba. Lucky numbers at color for the day ang 6, 25, 38, 42 at fushia.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Huwag magdamdam kung sakaling hindi matupad ang pangako. Alamin ang dahilan bago magdesis­yon. Huwag basta magalit kung walang paliwanag ang kabilang panig. Makinig sa katuwiran ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 33, 41 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Huwag asahang sasagutin ka ng iyong nililigawan dahil marami kang kaagaw. Ang katangian na maalalahanin, mapagbigay at maunawain ay magbibigay ng mala­king pag-asa sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 25, 36 at beige.

vuukle comment

AGOSTO 14 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with