^

Kutob

Agosto 13, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Unahin ang kapaka­nan bago ang iba. Walang maibibigay na tulong sa iba kung sarili ay kapos. Kung may alinlangan, huwag ituloy dahil tiyak walang magandang kahihinatnan. Gawin ang plano at tiyak may magandang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 23, 36, 38 at red. 

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Magugulat ka sa makikita dahil hindi mo sukat akalain, isang dating insidente ang mauulit nang hindi sinasadya. Walang katiyakan ang takbo ng panahon, kaya ang mag-ingat ay gawin. Maging alerto. Huwag magpabaya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 22, 34 at ruby red. 

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Upang hindi magkabuhol-buhol, ayusin ang mga sche­dules at repasuhin dahil may makalimutan ka ngayon. Huwag mangako dahil tiyak, hindi matutupad. Iwasan makipag-schedule dahil may hadlang at hindi makararating o makadadalo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 29, 33 at brown.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Tukso na kusang lalapit ay dapat iwasan, dahil sisirain ang pamilya o ang kasalukuyang relasyon. Huwag magpadala sa matamis na salita dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Mag-ingat sa manloloko. Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 31, 40 at tangerine.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Iiral ang pagkatamad, pagkamasungit, mainitin ang ulo at madaling magalit. Ito ang dapat paglabanan dahil kung hindi, mapapasubo sa hindi magandang situwasyon. Labis na kaligayahan ang madarama kung may matatapos na gawain. Lucky numbers at color for the day ang 18, 25, 39, 43 at blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Huwag magtiwala sa nararamdaman dahil mahina at mababa ang ESP. Kung ano ang iniisip, iwasang gawin dahil walang mapapala. Kung ano ang inaakala, magkakamali lalo na kung papatulan ang mang-aasar o mangungulit, tiyak may hindi inaasahang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 15, 24, 39, 42 at violet.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – May pabuyang matatanggap sa kabutihang nagawa. Kung may tensiyon sa tahanan o trabaho, huwag magkumento upang hindi magatungan at lalong sisiklab ang apoy. Huhupa ang tensiyon paglipas ng ilang oras. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 29, 38 at avocado green. 

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Sa impluwensiya ng panahon, walang magiging suliranin ngayon. Magiging masaya ang pakikihalo-bilo sa mga kasamahan, mga kaibigan o mga kamag-anak. Huwag pagkaitan ng tulong ang taong lalapit kung kaya rin lamang, gawin ang nararapat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 23, 41 at maroon.  

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Huwag magsisi kung may nagawang mali, ipalagay na charge to experience ito na hindi na mauulit. Ipanatag ang isip sa problema dahil darating nang kusa ang solusyon sa tamang panahon. Iwasan ang maging emosyunal. Lucky numbers at color for the day ang 20, 29, 34, 42 at yellow.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Lakasan ang loob sa mangyayari. Makakaranas ng memorable na pangyayari. Kung naging magulo ang buhay sa nakalipas, ngayon babalik sa normal. Makakaranas ng ginhawa sa pinansiyal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 28, 39 at gray.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Magtiwala sa nararamdaman dahil malakas ang ESP. Kung ano ang inisip, kilos at gawin dahil may mapapala. Kung ano ang kutob, hindi magkakamali. Huwag patulan ang mang-aasar. Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 36, 39 at aquamarine. 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Malilito ka sa mga alok. Lalong mabuti kung makakapag-isa upang makapag-isip ng magandang ideya o tamang paraan. Kumunsulta sa akalang higit na nakakaalam. Malaking pagkakataon na makahanap ng paraan upang madagdagan ang kita. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 26, 37 at jade green.

vuukle comment

KUTOB AGOSTO 13 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with