^

Kutob

Hunyo 20, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Magbibigay ng magandang kontribusyon ang isang Aries o Taurus. Doblehin ang pag-iingat kung makakasagupa na ang pangalan ay nagsisimula sa A, E, W. Magiging magaan at maaliwalas ang takbo ng mga oras. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 21, 36 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ilang pagbabago ang mangyayari sa aspeto ng pag-ibig dahil hindi pa tiyak ang sariling damdamin. Mabubulgar ang matagal nang bumabagabag na sikreto o makakatuklas ng sikreto ng iba. Laging maging alerto. Lucky numbers at color for the day ang 3, 6, 14, 18 at jade green.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Maisasakatuparan kung ano ang gustong mangyari sa buhay. Malakas ang angking ESP kaya sundin ang kutob at tiyak hindi magkakamali. Magbibigay swerte o kaga-lakan ang kapwa Leo o isang Gemini. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 28, 35 at sky blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Magiging maganda ang aspetong pinansyal. Magkakaroon ng pagkakataong kumita ng ekstra. Posibleng magkaroon ng kaunting kalituhan tungkol sa mga schedules o sa trabaho. Huwag mangako dahil hindi matutupad. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 21, 25 at bright yellow.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Aanihin ngayon kung ano ang itinanim. Kung ano ang ginawa ay siyang babalik sa’yo. Supilin ang sobrang mapaghinala sa kapareha o sa kapwa. Mauubos ang oras sa pag-aayos ng sariling kagamitan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 14, 15, 37 at orchid violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Positibo ang magiging pa-nanaw at magsisimula ng maayos at masagana ang buong araw. Maisasakatuparan ang pangakong binitiwan. Huwag kalimutang magpa-salamat sa Maykapal sa mga biyayang tinatamasa. Lucky numbers at color for the day ang 7, 13, 27, 36 at red rose.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) May mahalagang pag-uusapan tungkol sa lumalabong relasyon, pagsasama o negosyo. Hinahon ang kailangan sa pagresulba ng problema. Dagdag problema ang perang hiniram na hindi mababayaran. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 12, 31 at indigo.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ngayon mo mauunawaan na hindi lahat ng ugali ay kagaya ng sa’yo. Mapapatunayan mo na ang pangako ng iba ay hindi matutupad. Kung hindi mapipigilan ang sarili, makakasagupa ng taong hindi pinapangarap na makabangga. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 28, 39 at pale yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Ang maririnig na ka-pintasan at kahinaan ng minamahal ay tsismis at walang katotohanan. Ito ay paraan lamang upang ikaw ay manlamig. Huwag magpaapekto. Lucky numbers at color for the day ang 2, 6, 25, 36 at strawberry red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Iwasan ang magbalak na pumasok sa mga aktibidad na magastos. Makakabu-ting suriin muna ang budget upang hindi mapasubo at nang walang pagsisihan. Pagtuunan ang pagpapaunlad ng professional skills. Lucky numbers at color for the day ang 21, 24, 30, 39 at yellow.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Perpekto ang araw upang pagtuunan ng pansin ang kalusugan at ang pagsasaayos ng tahanan. Pagtuunan ng pansin ang nutrisyon, diet at exercise. Maisasaayos at maipaplano ang mga dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 6, 31, 39 at antique gold.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Depende sa iyong edad sa kasalukuyan kung hanggang saan ang iyong dapat asahan sa magiging income. Dapat huwag iisantabi ang maaaring mangyari, isang himala ito kung patuloy na magsisipag, magiging disiplinado, devoted at loyal. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 21, 23 at scarlet.

vuukle comment

HUNYO 20

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with